^

PSN Showbiz

KC parang nanalo sa lotto

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung may nasiyahan man sa pagsasamang muli, kahit sa telebisyon lang, nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ito ay ang anak nilang si KC. Mahigit 10 taong hindi nakasama ni KC ang kanyang ama kaya kitang-kita mo sa kanyang aksiyon at muk­ha ang nadarama niyang kasiyahan. Nagkaroon pa ng ma­laking bonus sa pagpayag ng dalawa na magkasama sa prog­rama ng nanay niya. Parang isang bata si KC na hindi mag­ka­mayaw sa kanyang nararamdaman. Para siyang nanalo sa lotto. Pero bilib ako sa inaanak kong ito, tanggap na niya na ang maha­laga ay may bahagi siya sa buhay nilang dalawa kahit may kanya-kanyang pamilya na ang magulang niya.

* * *

Minsan pa ay napatunayan ko na kapag tinatapak-tapakan ka, tagumpay ang kapalit nito. Si Vice Mayor Isko Moreno ng Maynila, buti na lang at ‘di nag­patangay sa mga panlalait na tinang­gap niya, kung hindi baka hindi niya narating ang kinala­lagyan niya ngayon. Sa halip na magkimkim ng galit sa mga nagsasalita ng masama tungkol sa kanya, ibinuhos niya ang pa­na­hon sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

Nag- try din siyang paunlarin ang kanyang sarili, nag-aral siya at ngayon hindi na siya mabasta-basta. 

* * *

Maganda ang Pilyang Kerubin. Di ko lang alam kung saan nito naka­kapareho ‘yung Kerubin ni Tessie Agana nung araw. Ang alam ko, drama ‘yung luma at parang dramedy itong kay Bar­bie Forteza na may halong light romance ba? At dahil isang serye, kung kaya maraming istorya na bukod pa sa main story ang sumasanga. Kaya marami ring malalaking artista. Ito ang kai­bahan ng Kerubin nun at Pilyang Kerubin ngayon, TV lang pero daig pa ang pelikula sa laki ng produksiyon.

* * *

Malapit na ang Survivor Philippines Celebrity Edition ni Richard Gu­tierrez. Siguro naman, tapos na tapos na ang movie nilang nag-shoot pa sa US with Anne Curtis at Clau­dine Barretto.

Ang laki raw ng gastos pero mukhang babawi naman sa ganda ng istorya. At matagal na ring hinihintay ang pagtatambal nina Chard at Anne kaya siguradong dudumugin ito sa sinehan kapag ipinalabas na.

Tungkol naman sa Survivor, kung inaakala n’yong hindi mapapantayan ni Richard ang ginawang paghu-host dito ni Paolo Bediones, magugulat kayo dahil kakaibang Chard ang mamamalas dito.

Siyanga pala, TY kay Richard sa mga silyang idinonate niya sa MET.

vuukle comment

ANNE CURTIS

GABBY CONCEPCION

ISKO MORENO

KERUBIN

NIYA

PAOLO BEDIONES

PILYANG KERUBIN

RICHARD GU

SHARON CUNETA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with