Pokwang nami-miss pa rin si Robin

Patalbugan ang palabas na pelikula kahapon sa ABS-CBN at GMA 7.

Sa Kapamilya network, palabas ang Dobol Trobol nina Dolphy at Vic Sotto habang Rizal starring Cesar Montano ang sa Kapuso Network.

Kaya hindi rin makuntento ang iba sa panonood. Palipat-lipat ng channel.

Ang Rizal ay napalabas na dati pero marami pa ring gustong panoorin ito habang ang Dobol Trobol nina Dolphy at Vic ay ngayon lang napalabas sa TV kaya maraming followers ng dalawang higanteng komedyante ang na-excite sa pelikula. Pero mas madaling natapos ang Dobol Trobol kaya 12:00 pa lang, start na ang ASAP sa Dos. Eh ang Rizal, almost 12:30 na, hindi pa tapos ang pelikula kaya hindi pa masimulan ang Party Pilipinas.

Pero hindi naman nagtagal ay natapos din ang pelikula ni Cesar kaya pukpukan na naman ang tapatan ng ASAP XV at Party Pilipinas.

* * *

Mabuti naman at naayos na ang kalsada papunta sa Baclaran Church.

Nagsitabihan na ang mga vendors na dating mga nakaharang sa nasabing daan.

Puwede naman palang gawin ‘yun eh, bakit ngayon lang.

Ngayon, maginhawa nang nakakadaan ang libu-libong dumarayo sa simbahan sa Baclaran.

Isa pang kuwentong Baclaran church.

Minsan, nasa lugar ako kung saan nagsisindi ng kandila ang mga bumibisita sa nasabing simbahan. Sa may bandang ibaba ng tinitirikan ng mga kandila, may mga bakal na parang kahon kung saan mo ihuhulog ang tulong para sa simbahan. Sus makita-kita ko ba naman, may dalang piraso ng walis tingting ang tatlong mga bata na siguro ay mga 8 to 9 lang ang edad at sinusungkit ang mga perang papel sa nasabing kahon. At in fairness, nakukuha nila dahil mukhang nilag­yan nila ng pandikit ang nasabing piraso ng walis tingting para dumikit ang pera na ang buong akala ng mga nagbigay ay napupunta sa simbahan.

Hay grabe. Ganun kalala. Kawawang mga bata.

* * *

Hanggang ngayon ay marami pa ring bumibilib sa interview ng Showbiz News Ngayon kay Pokwang kamakailan matapos nilang iyakan ni Mariel Rodriguez ang pag-alis ng naging guest co-host nilang si Robin Padilla sa Wowowee.

“Kasi siguro mami-miss namin ‘yung tratong binigay niya sa amin, yung respetong ibinigay niya sa amin.

“Sorry pero naiiyak na naman ako. Kasi sa kanya namin naramdaman na babae pala kami. Sa kanya namin naranasan ‘yung kalayaan para i-express kung ano ang ginagawa namin sa trabaho. Saka very vocal siya sa amin kung ano ang nararamdaman din niya. Kaya sobrang nami-miss namin siya,” sabi ni Pokwang sa nasabing interview.

Bumilib sila dahil pakiramdam nila ay nasabi ni Pokwang ang matagal na niyang nararamdaman. Pero sana raw itinodo na ni Pokwang. Kita raw sa mata nito na may puwede pa siyang sabihin.

Show comments