Rich mabilis makalimot
Nurse na pala ang dating Sexbomb member na si Jackie Estevez. At least, nagbunga ng maganda ang pagtiwalag ni Jackie sa Sexbomb dahil maganda ang kanyang kinalagyan. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Amerika at isa nang registered nurse na ngayon.
Na-prove ni Jackie na totoo ang sinabi nito noon na titiwalag siya sa grupo dahil ipagpapatuloy niya ang pag-aaral. Ang laki rin ng iginanda ni Jackie dahil malayung-malayo na ang itsura niya ngayon sa kanyang mukha noon.
* * *
Nasa Amerika si Ricky Lo dahil may interview siya sa cast ng Eclipse kaya hindi niya napanood kahapon ang bagong denial nina Aljur Abrenica at Rich Asuncion.
Si Papa Ricky ang nagsulat na Denial Prince si Aljur dahil hindi nito inaamin ang naging relasyon nila ni Rich Asuncion.
Hindi lamang si Aljur ang nag-deny dahil itinanggi rin ni Rich na sinundan niya si Aljur sa shooting nito sa Bohol.
Malakas ang loob ni Rich na mag-deny ‘ha? Mabilis na kinalimutan ni Rich ang pagtawag niya noon sa cellphone ni Papa Ricky para mag-sorry, kasabay ang pag-amin na nagpunta siya sa Bohol para makipagkita kay Aljur.
* * *
Isang psychiatrist pala ang napangasawa ni Amanda Page. Mendiola ang family name ng doktor at sa aking pagtatanong, nalaman ko na kapatid pala siya ni Dennis Mendiola.
The who si Dennis? Pamilyar ang name ni Dennis dahil ex-boyfriend siya ni Lea Salonga.
Si Dennis ang dating big boss ng Chikka Text at kapatid nga niya ang mhin na pinakasalan ni Amanda sa Sanctuario de San Antonio, Forbes Park noong January 2010.
Hindi natunugan ng media ang church wedding ni Amanda dahil matagal na itong nag-quit sa showbiz. Kumanta si Ogie Alcasid sa kanyang kasal dahil naging friends sila noong mainstay pa si Amanda ng Bubble Gang.
In fairness, hindi nagkaedad ang face ni Amanda. Kung ano ang itsura niya noong nag-umpisa pa siya sa showbiz, ganoon pa rin ang kanyang itsura ngayon.
* * *
Hindi idinenay ni DJ Mo Twister ang ballita ko na magkasama sila ni Rhian Ramos nang makita sila ni Arnold Clavio sa isang restaurant.
Ang sey ni Mo, walang masama kung makita na kumakain sila ni Rhian. Wala talagang masama. Basta ang importante, true ang mga kuwento tungkol sa madalas na date nila ni Rhian.
* * *
Si Mother Lily Monteverde ang nanalo sa pustahan nila ni Annabelle Rama. One hundred thousand ang pustahan ng dalawa.
Ang pusta ni Mother, si Senator Noynoy Aquino ang mananalo sa halalan ng presidente ng Pilipinas. Ang sey ni Bisaya, ang kanyang manok na si Gibo Teodoro ang magiging 15th President ng ating bayan.
Luz Valdez si Bisaya dahil si Noynoy ang nanalo at noong Sabado ng gabi, nagkita sila ni Mother sa isang Chinese restaurant sa Greenhills. Ibinigay ni Bisaya kay Mother ang datung at nag-decide naman si Mother na i-donate ang datung sa Mowelfund.
Tiyak na matutuwa si Boots Anson-Roa dahil sa donasyon nina Mother at Annabelle sa Mowelfund. Si Mama Boots ang Executive Director ng Mowelfund na itinatag ni Papa Joseph Estrada.
- Latest