^

PSN Showbiz

Hiwaga ng Taal Lake aalamin ng QTV

-

MANILA, Philippines - Kilala bilang “smallest volcano in the world,” itinu­turing din na isa sa pinakaaktibong bulkan ang Taal matapos na makapagtala ng tatlumpu’t dalawang pag­sabog mula taong 1572. At sa paligid nito ay ang Taal Lake na kahit tila kalmado ay may malalim at malagim umanong kasaysayan.

Tila taun-taon ay may nalulunod sa lawang ito, at karamihan sa kanila ay mga turista o dayo sa lugar. Paniwala ng mga taga-rito, isang hindi matukoy na ele­mento sa tubig ang nasa likod ng mga misteryosong pagkalunod.

Kaya naman ngayong Linggo ng gabi sa Q Chan­nel 11, susubukang tuklasin ng Misteryo ang hiwa­gang bumabalot dito.

Upang mabigyan ng mas malinaw na paliwanag ang diumano’y mga misteryong nagaganap sa lawa ng Taal, susubukang hanapin at tukuyin ng programa kung ano nga ba ang mga posibleng nagiging sanhi ng mga trahedya — isang mahiwagang elemento nga ba o natural na panganib?

Kasama ng Misteryo ang dalawa sa pinakabatikang paranormal experts sa Pilipinas – sina Rob Rubin na kilalang gumagamit ng iba’t ibang gadgets upang matukoy kung may paranormal acitivity o presensya sa isang lugar, at si Alex Angeles na isang “old school” paranormal expert na gumagamit naman ng mga makalumang pamamaraan sa pag-iimbestiga. Marunong ding maki­pag-usap si Alex sa mga elemento at kaya niyang tukuyin ang hit­sura ng mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang ritwal. Sino kaya sa kanila ang makaka­pag­bigay ng mas mahusay na paliwanag sa misteryong ito? Ang techie o ang old school? 

Umpisa pa lang ng imbestigasyon, muling naging aktibo ang bulkang Taal at inangat sa alert level 2 ang kondisyon sa lugar. Nagambala kaya ng grupo ang mga elemento dito? Matukoy na kaya ang salarin sa sunud-sunod na pagkalunod sa lugar?

Abangan lahat ng ito sa Misteryo ngayong Linggo, 10 p.m., sa Q Channel 11.

ABANGAN

ALEX ANGELES

LINGGO

MISTERYO

Q CHAN

Q CHANNEL

ROB RUBIN

SHY

TAAL LAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with