Isang masayang Annabelle Rama ang nakatsikahan namin pagkatapos ng presscon ni JC de Vera para sa 5-Star Specials Presents… JC sa TV 5.
Nagpalabas na kasi ng resolusyon ang Department of Justice para sa petisyon for review sa desisyong ibasura ng QC Fiscal’s Office ang kaso nilang slander laban kay Wilma Galvante kung saan ang tumatayong witness ay ang alagang si JC.
Sinagot din ni Annabelle ang mga katanungan tungkol sa relasyong Jewel Mische at Richard Gutierrez.
Sabi ng manager, kung saan masaya ang anak, kung sino ang mahal nito ay mahal na rin nila.
Idinagdag pa rin nito na ngayong magkasama na sina Ritchie Paul at Jewel sa Pilyang Kerubin ay masaya ang kanyang anak.
‘‘Minsan nga binabasahan pa niya si Ritchie ng Bibliya,’’ sey pa nito.
* * *
Natawa kami sa sinabi ni Annabelle na talagang siya ang nagtutulak noon kay Ritchie Paul na mag-artista Rin pero ayaw nito. Kaya pag humiram daw sa kanya ng pera ang anak ay tinatanong niya ito kung paano ito mababayaran gayung wala naman itong trabaho. Kaya nagulat ito nang kusang pumasok si Ritchie sa showbiz at kahit manghiram ng pera ay give agad ng ina kesehodang 10,000 ito dahil unti-unti niyang hinuhulugan mula sa kinikita ngayon sa pag-aartista.
* * *
Speaking of JC, hindi kami magtataka kung maging pambato ng TV 5 dahil dedicated ito bilang artista. Wala itong reklamo sa Tato 45 at Kardong Kamao episode sa 5 Star Specials Presents… JC na sisimulang mapanood sa June 16 sa TV 5.
Sinabi rin nito na naghahanda na siya sa kanyang future kaya nag-iipong mabuti.
‘‘Three years from now I’ll be 27 years old at gusto kong makapagpundar ng sariling bahay,’’ aniya.