Istorya kay Nora sobrang magulo

Hindi porke iniwan na ang Sexbomb ni Jopay Pa­­guia at nagsosolo nang madalas si Rochelle Pa­ngi­linan ay masasabi nang namatay na ang grupo, wala na o buwag na ito. Hindi naman. Katu­lad ng si­na­bi ni Sunshine Garcia na nakausap sa presscon ng Langit sa Piling Mo na kung saan ay bahagi siya ng cast, tanging ang Sexbomb Singers lamang ang na­buwag at ito ay dahil sa nag-asawa na ang ibang mi­yembro nito, may pa­milya na. Pero pinalitan naman sila ng Dai­sies na ang miyembro ay mga sexbomb din. Ang kabu­uan ng grupo, ang Sexbomb dancers ay buo pa rin, magkakasama pa at napapanood pa rin sa Eat Bulaga at maging sa mga huling linggo ng Daisy Siete.

* * *

May gustong ipahiwatig ang sabay na pananalo sa pulitika ng mga Aquino (Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa) at Marcoses (Imelda, Bongbong at Imee). Parang nagsasabing pana­hon na para sa toto­ong reconciliation para mag­kaliwanagan na at magkatulungan.

Hindi naman mahirap gawin ito para sa ika­uunlad ng bansa at magsisilbi pang magandang ha­limbawa sa mundo. Maganda ang naging problema ng mga magulang ay malutas sa panahon ng kanilang mga anak.

* * *

Sa June 22 opisyal nang bubuksan ang pinto ng MET sa publiko. Magkakaroon ng isang nata­tanging palabas na purely invitational muna at magsisilbing isang pasasalamat sa mga nagkaloob ng tulong para mabuksang muli ang teatro na iti­nuturing na isa sa mga yaman ng bansa.

Bagaman at hindi pa kumpletong nagagawa o nare-rehabilitate ang lugar, malaki na ang iginanda nito, salamat sa mga benefactor nito. Ang mga pa­nau­hin ay dun mismo uupo sa mga silyang donas­yon nila. Gusto rin ipagmalaki ni Manila Mayor Al­fredo Lim ang efforts nila para ma-restore ang lugar at gusto nilang mai-share ito sa tao.

In due time, MET will be completely restored and will be fully operational.

Dapat sa mismong araw ng Maynila ito bubuk­san pero dahil maraming ibang gawain para sa araw na ito kung kaya binago ang date.

* * *

Ang gulo talaga ng istorya tungkol kay Nora Aunor. Gulung-gulo na maging ang mga Nora­nians. Para mabigyan ng kaliwanagan ang lahat, kaila­ngang si Nora na mismo ang magsalita tung­kol dito. Kailangang sabi­hin niya ang buong pang­yayari, kung ano ba talaga ang totoo. Nawala ba o hindi ang boses niya? Nanga­nga­hulugan ba ito na wala na siyang pinag­kakakitaan?

Narinig ko na pinayuhan siya ng doctor niya na magpahinga ng mga anim na buwan. Baka kung totoong naapektuhan ang boses niya ay ma­balik sa loob ng panahong ito. Pinayuhan ko na rin siya dati na tumigil na ng paninigarilyo pero hindi siya su­munod. Whatever happened to her, baka naka-grabe pa ang paninigarilyo niya.

Umaasa pa rin ako na manunumbalik sa dati ang boses niya. Pero habang walang, ano ang ga­ga­win niya? Kaya nga siguro kailangan niyang humingi ng danyos sa naging dahilan ng pag­ka­wala ng boses niya. Kung ‘yung make-over ang cause, eh dapat tulungan mo siya Aster, (Amoyo - ang movie writer na nag-facilitate sa ginawang make-over sa kanya). Pero bakit parang wala akong naririnig from Aster.

Show comments