Goma dalawang show ang gusto sa TV5

Magko-co-host uli si Richard Gomez sa PO5 ng TV5 this Sunday at sa next Sunday, present din siya sa show, pero hindi pa masabi kung regular na siya sa Sunday show at kung magiging Kapatid na nga siya at aalis na sa GMA 7.

Kailangan daw may two regular shows sa TV5 si Richard bago tuluyang lumipat at ito ang pinag-uusapan ng management at ng kam­po ng actor sa pangunguna ng ma­nager niyang si Wyngard Tracy.

Kapag lumipat sa TV5 si Richard, magka­kasama na sila ng asawa niyang si Cong­resswoman Lucy Torres-Gomez na mainstay din ng P05.

* * *

Dapat magkasama sina Eugene Domingo at Allan K sa special show sa Japan ng mga ko­med­­yante ng GMA 7 at representative ng Comedy Bar, pero nag-beg off ito’t ‘di maiwan ang maraming trabaho rito.

Taping at shooting ang nilalagare ni Eugene at kundi nagti-taping ng Comedy Bar at Watchamakulit, nagsu-shooting naman ng Mamarazzi ng Regal. Bibigat pa ang schedule ni Eugene ‘pag sinimulan na niya ang shooting ng pelikulang Wang-As (ka­balig­taran ng Aswang) at entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival.

Ang hinihintay ni Eugene ay movie offer na pag­sasamahin sila ni Sarah Geronimo dahil gusto niyang makatrabaho ang singer-actress. Naniniwala siyang in ang collaboration ngayon at mas maka­katu­long ang ganitong sistema sa local movie industry.

Magtatrabaho nang magtatrabaho si Eugene, pero pagdating ng October, time out muna siya for her trip to New York. Manonood siya ng Broadway shows at isasama ang kaibigang si Tony Mabesa na pinangakuan niyang isasama.

* * *

Magho-host pa rin ng Paparazzi this Sunday si Mo Twister dahil hindi na-serve ang TRO o temporary restraining order filed by GMA Network dahil sa technicality sa ginawang hearing. In-order ni Judge Santiago Arenas na ma-reset ang hearing sa July at habang wala pang TRO, tuluy-tuloy na magho-host ang controversial host ng showbiz talk show ng TV5.

Sa episode mamaya, iinterbyuhin ni Mo si JC de Vera tungkol sa panalo nila ng manager na si Annabelle Rama sa kaso nila kay SVP for Enter­tainment Wilma Galvante. Hindi kaya magkailangan ang dalawa dahil kay Rhian Ramos?

Samantala, excited na si Mo sa shooting ng first movie niya, ang horror movie na White House sa Regal Entertainment to be directed by Topel Lee. This Sunday ang storycon at sa June 17 ang scheduled first day shooting sa Baguio. Bida sina Gabby Concepcion at Iza Calzado at kasama rin si Lovi Poe. Manonood daw siya ng horror movie bilang paghahanda.

* * *

Sa ending ng Love Bug Presents…The Last Romance, ngayong nalaman na ni Hero (Dennis Trillo) na may sakit si Rackie (Carla Abellana) at bilang na ang mga araw, lalong ayaw niya itong iwanan at gagawin nito ang lahat para ipakita sa dalaga na mahal niya ito. 

Show comments