Bangayan nina Gretchen at Angelica gimik lang!

TRUE : Kahit si Dra. Vicki Belo ang kasama ni Hayden Kho Jr. sa business trip nito sa Amerika at Paris kamakailan, hindi pa rin konektado si Hayden sa Belo Medical Group.

Ipapa-manage daw sana kay Hayden ang isang beauty shop na pambagets na ang isa sa mga may-ari ay si Dra. Belo pero hindi na raw ito ma­tutuloy sa ngayon.

Ang gusto raw ni Hayden ay ituloy ang sinimu­lan niyang negosyo noon na isang brand ng per­fume na tinawag niyang Hidden. Iba’t ibang scents daw ito na siya mismo ang namili at ilan sa mga kla­se ng naturang perfume ay tinawag niyang Hid­den Desire, Hidden Pleasure at hindi ko na maalala ang iba.

TANONG : Naniniwala ba kayo sa sinasabing away nina Gretchen Baretto at Angelica Pa­nganiban?

Kunya-kunyaring pinag-aawayan nila si Derek Ramsay na obvious namang gusto lang nilang mag-ingay para sa bagong teleserye nilang Magkaribal.

Halatang-halatang gimik na ewan ko ba kung bakit pa rin natin pinapatulan.

TOTOO KAYANG sinabi ng dating asawa ng isang kilalang singer na maghintay ng tatlong taon, magkakabalikan din silang dalawa?

Halos dalawang taon na silang hiwalay pero na-maintain naman daw ng dating mag-asawa ang magandang friendship at madalas din silang ma­kitang magkasama para sa kanilang anak.

Pero may bagong girlfriend na si kilalang singer at ang non-showbiz ex-wife nito ay pa-date-date naman sa ibang naggaguwapuhang models, pero hindi pa raw siya nakipagrelasyon.

Aminado si girl na mahal pa rin niya ang dating asa­wang singer kaya feeling nito, sila pa rin ang magkakatuluyan in the end. Kaya binibigyan nito ang sarili ng tatlong taon kung magkakabalikan nga sila.

TSIKA LANG : Ang tinuturong babae na nakita raw kasama ni Mark Herras na lumabas ng hotel ay si Jeremy Padolina, ang dating FHM model na nag-audition noon sa Starstruck 5.

 Itinatanggi ni Mark ang naturang intriga dahil iba na raw siya ngayon at happy na raw siya kay Ynna Asistio.

Hindi na raw siya kagaya nung dati na kung kani-kanino nali-link kaya obvious na paninira lang daw ito sa kanya dahil tahimik na siya ngayon.

 “Bakit ba pag nanahimik na ako sa mga issue about girls, pinipilit nila akong intrigahin. Kahit pa­pano naman, napatunayan ko na hindi na ako ga­nun. Saka wala na rin akong gana sa mga ganun at the same time hindi ko na kailangang gawin ‘yun kasi masaya na ako. Graduate na ako sa ganun,” sagot ni Mark sa intriga meron na naman siyang ibang babae, kahit may nagsasabi pang totoo ang balitang ‘yun at hindi tsika lang!

Show comments