Actress na kabit daw ng pulitiko gustong magbalik showbiz

Ang tatapang ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kung makapagsalita sa kanilang mga e-mails para sa mga executive ng ABS-CBN, parang sila ang nagpasikat sa magka-love team.

Samantalang ang inaapela lang naman nila ay kung puwedeng hindi paghiwalayin ang kanilang mga idolo.

Gusto raw nila, ang magka-loveteam ang magkasama sa lahat ng TV at movie projects nito.

Kaloka. Parang mga diktador na ang mga fans ng magka-loveteam na ito.

Pati ang kredibilidad ng Dos dinadawit nila.

Hindi ito ang first time na nag-alburoto ang fans nina Kim at Gerald. Actually madalas. Pag nabalitaan nilang may bagong project ang kanilang idolo, naku ayan na, dagsa ang pinadadala nilang sulat sa mga entertainment writers para manghingi ng tulong na parang isa lang naman ang pinanggagalingan.

Naku fans, hinay-hinay lang.

* * *

Parang mas matindi ngayon ang giyera sa pagitan nina Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante ng GMA 7.

Kahapon nabasa ko ang forwarded messages ni Annabelle kay Wilma.

Doon ko lang nalaman na tumawag daw si Ms. Wilma sa programang Paparazzi ng TV5 para kausapin ang kanyang lawyer for interview.

Kino-question din ni Tita Annabelle na bakit nang magkaroon ng story tungkol sa kaso nila, lawyer lang daw ni Ms. Wilma ang nagsalita sa 24 Oras. Bakit daw ang lawyer niya, hindi nagkaroon ng chance na magsalita.

Sinabi rin ni Tita Annabelle sa nasabing text messages na si Ms. Wilma naman ang nag-umpisa ng lahat ng demanda.

Anyway, kamakailan lang ay lumabas ang desisyon ng Department of Justice para sa petition to review na isinampa ng kampo ni Annabelle para sa kasong Slander na naunang ibinasura ng QC RTC para kay Ms. Wilma.

* * *

May career pa ba ang isang dating young actress na gustong buhayin sa Facebook?

Nabalita noon ang young actress na ito na nakarelasyon daw ng isang matandang pulitiko kaya biglang nawala sa eksena.

Nagbuhay mayaman daw ito at lahat signature items ang bitbit. Anong nangyari? Bakit parang ngayon ay gusto niyang bumalik sa showbiz na as if may clamor.

 Wait natin kung makakabalik ba siya sa showbiz eh parang nilipasan na siya ng panahon.

Show comments