MANILA, Philippines - Isang espesyal na ‘mega family reunion’ ang tiyak na aabangan ngayong linggo, June 13, sa top-rating musical variety show na Sharon. Matapos ang mahigit isang dekada, muling magsasama sa iisang show sina KC Concepcion, Gabby Concepcion at si Megastar Sharon Cuneta!
Kasama ang bestfriend ni Mega na si ZsaZsa Padilla bilang co-host, tampok sa two-part special ng Sharon ang mga exclusive photos, never-before-heard stories at must-see production numbers na pagsasamahan nina KC, Gabby at Sharon.
Kuwento ni KC, hinding-hindi niya malilimutan ang gabing nakasama niyang muli ang kanyang Mama at Papa. “This moment is really inspiring. Hindi naman araw-araw nagkakaroon ng chance na magkita-kita ulit kaming tatlo, to be on my Mom’s show and makita silang dalawang nag-uusap.”
Dagdag pa niya, “Meron talagang purpose kung bakit kami pinagtagpo ulit. May rason kung bakit kami nagpunta sa show ni Mama and nakagawa kami ng movie together ni Papa. Hindi lang ‘to para sa show. Parang I waited all my life for this moment.”
Abangan ang kabuuang kwento ni KC at ang nakakikilig na pag-uusap nina Sharon at Gabby sa first part ng special episode na ito ngayong Linggo sa nag-iisang musical variety show “kung saan lagi kang kasama,” ang Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.
* * *
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, handog ng Party Pilipinas ang isang engrandeng selebrasyon na puno ng mga ipinagmamalaking mga sayaw, musika at awiting mula sa lahing Pilipino.
Tinawag na Pula…Bughaw…Dilaw… The Philippine Independence Day Special, tampok sa Party Pilipinas ang non-stop all-Pinoy entertainment mula umpisa hanggang sa wakas sa loob ng tatlong oras.
Simula 12.30 ng tanghali, dapat tutukan ang highly dramatic opening number sa pangunguna ng Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras kasama sina Rocco Nacino, Elmo Magalona, Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Steven Silva, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Wynwyn Marquez at Yassi.
Bukod sa kakaibang grand opening number, kilalanin at bibigyang-pugay ng show ang mga tinitingalang mga Pinoy artists na nagbigay karangalan at nagpa-angat sa kalidad ng Original Pilipino Music (OPM) tulad ng Eraserheads, Hagibis, Aegis, Ogie Alcasid pati na rin ang mga kanta nila Bamboo, Gary Valenciano, Kuh Ledesma at Freddie Aguilar. Tampok din sa Independence Day special ang mga katutubong sayaw ng mga Pinoy tulad ng pandango sa ilaw, maglalatik, tinikling at carinosa.
Hindi rin dapat palagpasin ang espesyal na production number ni Elmo Magalona na magbibigay ng tribute sa kanyang yumaong ama, ang Master Rapper na si Francis Magalona. Magkakaroon din ng special showdown mula sa mga divas at crooners ng Party Pilipinas - Regine Velasquez, Jaya, Kyla, Rachelle Ann Go, Jennylyn Mercado, La Diva, Frencheska Farr, Julieann San Jose, Jay-R, Mark Bautista, Janno Gibbs, Dennis Trillo, Kris Lawrence, Gian Magdangal, Geoff Taylor, Miguel Escueta, Joshua Desiderio kasama ang XLR8, Eurasia at Pop Girls. Makakasama ang Korea’s hottest boy group – UKiss.
* * *
Test of Friendship sa Kitchen Battles
Dalawang magkaibigan sa tunay na buhay – sina chef Pierre Ivan Tan at Rurik Lavina – ang maghaharap sa isang challenging na cook-off ngayong Linggo, at isa sa kanila ang pipiliin ng Kitchen Battles judges na manatili sa search para sa ultimate Chef Warrior.
Naging magkaibigan sina Chef Warrior Pierre at Rurik noong culinary arts students pa lang sila. Magkasabwat sila sa pagtatago ng mga nasunog nilang pagkain at magkadamay sa tuwing masusugatan at mapapaso sa kusina. Naging mas malalim ang pagkakaibigan ng dalawa nang matapos nila ang kanilang course at pumasok sa restaurant business.
Sa loob ng ilang taon nilang pagiging magkaibigan, natutunan na nila ang strengths at weaknesses ng isa’t isa. Ang nakakagulat ay kahit na malakas ang kompetisyon sa food industry, nagawa pa ring manatiling magkakakampi nina Chef Pierre at Rurik.
Ngayong Linggo (June 13), masusubukan ang kanilang pagkakaibigan sa pagsabak nila sa pinakabago at pinaka-exciting na cook-off sa telebisyon – ang Kitchen Battles.
Ang host na si Zoren Legaspi ang tatayong mastermind ng show, habang ang annotator na si Issa Litton ang magkukuwento ng hot off-the-grill updates. Si chef judge Sau del Rosario naman ang magbibigay ng verdict kasama si Zoren at isang guest judge.
Mapapanood ang programa tuwing Linggo ng gabi, 7:40 p.m., sa Q Channel 11.