Seen : Ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola at ang kanilang anak na si Anya sa Universal Studios Singapore, kahapon. On leave si Julius sa TV Patrol World.
Scene : Ang hamon ni Katrina Halili na payag siya na ipalabas sa wide screen ang sex video nila ni Hayden Kho, Jr. Kinabubuwisitan na ang mga kadramahan ni Katrina.
Seen : Pigil na pigil ang kilig ni Mariel Rodriguez sa tuwing pinag-uusapan si Robin Padilla. Nahihirapan si Mariel na itago ang tunay na nararamdaman para kay Robin.
Scene : Na-deny ang US Visa application ni Paulo Avelino. Kailangan ni Paulo na maghintay ng anim na buwan upang makapag-re-apply siya. Malamang na wala si Paulo sa tabi ni LJ Reyes sa pagsisilang nito ng kanilang anak sa susunod na buwan.
Seen : Ang Prada shoes nina Senator Bong Revilla, Jr. at President Noynoy Aquino.
Scene : Isang isla sa Thailand ang location ng Survivor Philippines : Celebrity Edition. Kinunan din sa Thailand (Ko Tarutao Island) ang unang season ng Survivor Philippines.
Seen : Si Ogie Alcasid sa NAIA noong Huwebes. Lumipad si Ogie sa Australia upang dalawin ang mga anak nila ni Michelle Van Eimeren.
Scene : Si Wilma Galvante (Executive Vice-President for Entertainment ng GMA 7) ang complainant sa breach of contract case na isinampa ng GMA Network laban kay Mohan Gumatay a.k.a Mo Twister.