Naiwang asawa ng aktor may BF agad

MANILA, Philippines - Hindi pa pala tapos ang laban nina Annabelle Rama at GMA 7 executive Wilma Galvante.

Akala ng lahat ay natapos na ito matapos ibasura ng Quezon City Trial Court ang kani-kanilang mga isinampang kaso at petition. Hindi pa pala, dahil nag-file ang nanay nina Ruffa, Richard, Raymond ng petition to review sa Department of Justice (DOJ). At noong June 8, inilabas ng DOJ ang kanilang decision at binaliktad nila ang naunang decision ng QC Regional Trial Court.

Pinagbigyan nila ang petition for review at sina­bi sa resolution na “The City Prosecutor of Quezon City is hereby instructed to file an infor­ma­tion for Slander under Article 358 of the RPC against respondent Wilma Galvante and to report the action thereon within ten days from receipt hereof.”

Ginamit na basehan ng DOJ ang mga state­ment ni JC de Vera tungkol sa nangyari sa kanila noon ni Ms. Galvante.

Siguradong mahabang proseso pa ang tatakbuhin ng kaso.

Incidentally, mas lalo raw lumakas ang nasabing kaso against Ms. Wilma sa mga sinabi ni Mo Twister bago siya umalis sa GMA 7.

* * *

May boyfriend na pala ang naiwang kabiyak ng isang aktor.

Ayon sa source, ang bilis na-in love ni misis na iniyakan pa ang naging kapalaran ng nasirang asawa.

Panay pa ang luksa nito noon pero hindi pala magtatagal, ayun may bagong boyfriend na.

Kaya kung makikita man ito sa mga showbiz functions, pansinin ninyo at blooming.

 

Show comments