PP may all-Pinoy celebration sa Linggo

MANILA, Philippines - Papaganda na nang papaganda ang Party Pilipinas at makikita ito sa impressive stage at mga high technology instruments na ginagamit para mas mapa-bongga pa ang party show ng GMA 7.

Dalawang direktor, Mark Reyes at Rico Gutierrez, ang humahawak ngayon ng Sunday variety show. Sila ang nasa likod ng hinangaang production number ni Rachelle Ann Go noong Linggo, na kumanta habang nakalambitin sa ere, at ang ginawa nina Kyla kasama sina Kris Lawrence at Joshua Desiderio sa baby grand piano.

Pinatunayan lang na kaya ng mga Party Pilipinas stars tumugtog ng instrumento o sumayaw habang kumakanta ng live.

Sa June 13, isang all-Pinoy celebration ang Party Pilipinas. Pinamagatang Pula…Bughaw…Dilaw, The Philippine Independence Day Special, pararangalan ng show ang galing ng mga musikerong Pinoy tulad ng Apo Hiking Society at The Eraserheads. Muling babalikan ang mga awitin ng makabayang Master Rapper na si Francis Magalona. Pero makiki-party din ang hottest boy group ng Korea, ang U-KISS.

Show comments