Anak ni Lara unggoy

MANILA, Philippines - Malalaman ng buong baryo na nagiging unggoy ang anak ni Lara (Kris Bernal). Ito ang sisisihin nila kaya nagkaroon ng salot sa bayan. Dadalhin nina Lara at Jerrick sa mga doctor at albularyo para maipagamot ang sakit nito pero walang magagawa ang mga ito.

Mawawala na ang spell kay Carlos kaya babalikan niya sina Adela pero palalayasin lang siya ni Adela. Hindi pa rin mapatawad ni Adela si Carlos.

Maiinis na si Bawana (Bianca King) kay Ayesha dahil inaagawan siya nito ng atensiyon kay Almiro (Aljur Abrenica). Lalasunin ni Bawana si Ayesha. Makaligtas kaya ang munting sanggol laban kay Bawana na isang makapangyarihang diwani?

Ma-e-endanger ang buhay ni Princess (unggoy na anak ni Lara) dahil susunugin siya ng taong-bayan. Mailigtas kaya ni Lara ang kanyang baby!?

Muntik nang malason ni Bawana si Ayesha. Buti na lang at dumating sina Almiro at Ogayna.

Babalik sa Paladino si Lara para humingi ng tulong kay Almiro para pagalingin ang kalagayan ni Princess.

Hindi makapaniwala si Ogayna na papatayin ni Bawana si Ayesha kaya magsusumbong si Ogayna kay Adorno na si Lara naman talaga ang tunay na ina ni Ayesha!

Si Lara pa rin ang nasa isip ni Almiro. Kahit na anong pilit niya na kalimutan ito, si Lara pa rin talaga ang mahal niya.

Masamang-masama ang loob ni Lara dahil hindi man lang sila binalikan ni Almiro.

Mabubuking ni Bawana na nagsumbong na si Ogayna kay Adorno. Susundan niya ang dalawa.

Makikita ni Adorno si Almiro. Hahabulin niya ito para sabihin ang buong katotohanan!

Show comments