^

PSN Showbiz

Nina Corpuz, nanalo ng international media prize sa U.N.

-

MANILA, Philippines - Pinarangalan ang ABS-CBN broadcast journalist na si Nina Corpuz ng Media For Labor Rights Prize, isang parangal sa larangan ng journalism na igi­na­gawad ng International Labour Organization (ILO) na siyang labour arm ng United Nations.

Ang naturang prize ay kumikilala sa mga gawain na tumutulong na palaganapin ang impormasyon tungkol sa international labour standards kaugnay sa mga lokal na labour at social issues.

Ang artikulo ni Nina na pinamagatang Filipino Do­mestic Workers, Between Justice and Survival ay napili bilang pinakamahusay na istorya tungkol sa labour rights mula sa 50 pang ibang entries mula sa mga manunulat at miyembro ng media sa iba’t ibang panig ng mundo. Kabilang sa mga nagwagi ng naturang pa­ra­ngal sa nakaraang mga taon ay entry mula sa Japan at Zambia.

Igagawad ang prestihiyosong parangal sa award ceremony na magaganap sa ika-99 na sesyon ng International Labour Conference sa Geneva, Switzerland mula June 2 hanggang 18.

Ilalathala ang sinulat ni Nina sa mga diyaryo sa iba’t ibang bansa na isasalin sa iba’t ibang lengwahe pati na rin sa opisyal na website ng ILO.

Noong Agosto ng nakaraang taon, si Nina ay binig­yan ng scholarship para sa kursong Communicating Labor Rights sa International Traning Center ng ILO (ITC-ILO) sa Turin, Italy. Dito niya sinimulang isulat ang istorya na kanyang ipinagpatuloy nang siya ay na­kabalik na sa Pilipinas.

Isa sa nakatulong kay Nina para mas lalo pang ma­paganda ang kanyang sinusulat ay ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng kuwento sa mga pinauwing Overseas Filipino Workers mula sa Middle East noong Agosto 2009 matapos silang abusuhin ng kanilang mga employers.

Ayon kay ITC-LTO trainor na si Vittorio Longhi, ang artikulo ni Nina ay isang global story na sana’y ma­­ka­gawa ng marka sa Pilipinas at makatulong na mapaunlad ang kalagayan ng mga domestic workers.

Napapanahon din ang napiling paksa ni Nina dahil kabilang sa tatalakayin ng ika-99 na International Labor Conference ang paggawa ng international standards para sa proteksiyon ng mga manggagawa na naglilingkod sa ibang bansa.

Si Nina ay kilalang mamamahayag ng ABS-CBN sa loob ng siyam na taon at nagbibigay ng ulat sa TV Pa­trol World, Bandila, sa ABS-CBN News Channel (ANC), Studio 23 at sa www.abs-cbnNEWS.com

BETWEEN JUSTICE AND SURVIVAL

COMMUNICATING LABOR RIGHTS

FILIPINO DO

INTERNATIONAL LABOR CONFERENCE

INTERNATIONAL LABOUR CONFERENCE

INTERNATIONAL LABOUR ORGANIZATION

INTERNATIONAL TRANING CENTER

NINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with