Claudine makakasama sina Geoff, Joross

MANILA, Philippines - Masusubukan ang husay sa drama nina Geoff Eigenmann, Joross Gamboa at Jay Aquitania dahil ang drama queen mismo ang makakasama nila ngayong Sabado sa Claudine.

Tungkol sa kontrobersiyal na issue ng frat-related violence ang paksa sa drama anthology ni Claudine Barretto kung saan gagampanan niya ang papel ng isang babaeng namatayan ng kapatid dahil sa pagsali sa isang fraternity.

Magiging kaagapay ni Aileen (Claudine Barretto) si Migs (Geoff Eigenmann), ang best friend ng kapatid niyang si Nico (Jay Aquitania), sa malungkot na sinapit ng kanilang pamilya.

Ang hindi niya alam, si Migs ang pangunahing dahilan ng pagsali ni Nico sa fraternity, at ang kapatid nitong si Bryan (Joross Gamboa) ang pumatay sa nag-iisang kapatid ni Aileen.

Magawa pa kaya niyang mapatawad si Migs gayong napamahal na rin ito sa kaniya?

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, ang episode na ito tungkol sa kapatiran, pamilya at pagpapatwad ang tampok sa Claudine ngayong Sabado pagkatapos ng GMA Pinoy Records

Show comments