Jake totoong may kasalanan
May mga hindi magagandang bagay ang lumalabas tungkol sa alaga kong si Jake Vargas na pakiramdam ko ay labis na at layuning sirain ang kanyang pagkatao.
Sa aking pagkakakilala, isang mabuting bata naman si Jake, pursigido sa kanyang trabaho at gustong sumikat hindi lamang para sa kanyang sarili kundi una na para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang inang may sakit.
Kung may kasalanan man siya at nagkakamali sa kanyang trabaho, ito ay pressure na dulot ng kanyang trabaho at ng mga pangyayari sa kanyang buhay na bilang isang kabataan kung magkaminsan ay hindi niya makayanan, pero wala siyang balak na bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Jake has never been but an obedient child. Grateful na binigyan siya ng chance na magkatrabaho at makatulong sa kanyang pamilya pero sa mga balita, lumalabas na parang napakasama na niyang bata gayung wala siyang maisip ni isa mang tao na nabigyan niya ng problema o nagawan ng kasalanan. Kung meron man, hindi niya sinasadya at dulot lamang pagkakataon.
So give him a chance, puwede ba?
* * *
Ano ba, ang dami-daming ayaw umamin ng kanilang relasyon pero kapag dumating na sa puntong kailangan na nilang maghiwalay, saka lamang parang nabubulgar na may relasyon palang nasira, at hindi na nila maitanggi ang break-up.
Sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez ay sangkot sa isang break-up. Oo nga at hindi nila itinago ang kanilang relasyon pero ang itinatago naman nila ay ang dahilan ng kanilang break-up na diumano’y si Robin Padilla. Mahirap bang tanggapin na puwedeng ma-fall in love sa iba ang isang may nobyo na?
Masama kung namangka siya sa dalawang ilog. At bagama’t sinasabi ni Mariel na may nagaganap nang hindi maganda sa pagitan nila ni Zanjoe bago pa dumating sa eksena si Robin, hindi naman imposible na napalala nang pagdating nito ang sitwasyon at lalong mapalawak ang gap na namamagaitan sa dalawa.
Ewan natin, sino ang makakapagsabi. But let’s not condemn Mariel kung may bagong lalaki sa puso niya.
* * *
Kung si Toni Gonzaga ang papalit kay Kris Aquino sa The Buzz at si Bianca Gonzales naman sa SNN, paano na si Mariel? Aba eh mapag-iiwanan siya ng dalawa. Brokenhearted na nga siya, wala pang bagong show na makakatulong ng malaki para mapabilis ang pag-heal ng kanyang heart?
In fairness to Mariel, magaling naman siyang mag-host, hindi naman siya napag-iiwanan ng dalawa niyang kasamahan sa talento. Hindi kaya siya ma-insecure na wala siyang bagong programa at ang dalawa ay meron?
- Latest