Cute ang Lady Dada na title ng mini-series ni Ryan Agoncillo sa TV5 at ang Dada rito ang ibig sabihin ay daddy na malapit nang maging estado ng TV host-actor ‘pag nanganak ang misis niyang si Judy Ann Santos ng baby boy.
Sa third week ng June ang target ng TV5 na simulan ang taping ng mini-series na sabi sa amin, papalit sa 5-Star Special. Tatlong directors ang pinagpipilian para sa project at sa nabasa naming mga pangalan, ang isa sa kanila’y sa GMA 7 nagdidirek ngayon (payagan kaya siya?), ang isa’y nalilinya sa indie films at ang isa’y parehong may dinidirek na shows sa TV5 at Channel 7 at babalik na raw sa ABS-CBN.
Isang Kapuso aktres ang tina-target na makapareha ni Ryan sa Lady Dada, may exclusive contract ito sa network, pero ipagpapaalam daw. Ang tanong, payagan kaya siya ng Channel 7 na ipahiram sa TV5 lalo na sa umiinit na isyu ng istasyon kay Mo Twister?
* * *
Ang ganda ng sagot ni direk Maryo J. delos Reyes sa tanong kung bakit kailangang panoorin ang Father’s Day presentation ng Star Cinema na I’ll Be There showing sa June 16 in more than 100 theaters at tampok ang mag-amang Gabby at KC Concepcion at Jericho Rosales.
“It’s an event at kailangang kasama ka sa event. Maaaring maulit ang pagsasama nina Gabby at KC, pero maganda kung kasama ka sa una. Maganda rin ang story tungkol sa mga batang lumalaking mag-isa at malayo sa mga magulang. We have to see the perspective ng isang ama at anak na magkalayo at lastly, this film offers solution to this kind of relationship to give each other a second chance because everybody deserves a second chance,” pahayag ni direk Maryo na siyang director ng pelikula.
Idenepensa rin ni direk Maryo ang role ni Jericho na importante rin sa pelikula at pinuri si KC na ‘di niya kinakitaan ng galit, ‘di nagtataray ‘pag nati-take two at ‘di rin sumisimangot ‘pag nasisigawan niya dahil kulitan nang kulitan sila ni Jericho at malikot sa set. “Si Gabby naman ay mas hinog na sa acting at malalim ang pinaghuhugutan ng emosyon,” patungkol ni direk Maryo sa kanyang cast.
* * *
Matutuwa sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil pabor ang ex ni Dennis na si Carlene Aguilar sa relasyon nilang dalawa. Sabi ni Carlene nang mag-guest sa Tweetbiz, wala siyang masabi laban kay Jennylyn, pero pagdating kay Cristine Reyes na naging ex din ni Dennis, kahit hindi magsalita si Carlene, alam na ayaw niya rito.
“Ayaw ko talaga sa kanya,” wika ni Carlene na hindi na nagpaliwanag kung bakit.
Kuwentong hate pa rin, si Maui Taylor ay hate naman daw si Lovi Poe at totoo bang si Rep. Ronald Singson ang dahilan? Parang hindi namin nabalitaang naging item sina Maui at Mr. Singson, pero siya ang itinuturong rason kung bakit ayaw ni Maui kay Lovi.
* * *
May special participation si Jomari Yllana sa Panday Kids sa role ni Flavio na tumulong sa Panday Kids para matalo si Lizardo (Marvin Agustin). Sa San Marcelino, Zambales nag-taping si Jomari na thankful na sa kanya ibinigay ang nabanggit na role at least daw, kahit ilang eksena lang, naranasan niyang gumanap sa role na ginampanan sa pelikula nina Fernando Poe Jr., at Sen. Bong Revilla.