Sharon napapayag nang makasama si Gabby; Dating aktres wanted ng cellphone company

Inaabangan ng fans ang guesting ni Gabby Con­cepcion sa show ni Sharon Cuneta. Pumayag na raw si Sharon na mag-guest si Gabby para sa promo ng I’ll Be There. Siyempre, kasama si KC Concepcion sa guesting ni Gabby dahil sila ang mga bida sa pelikula ng Star Cinema na ipa­lalabas sa mga sinehan sa June 16.

Tiyak na magiging mataas ang rating ng Sharon kapag natuloy ang pagsa­sama ni KC at ng kan­yang mga magulang. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang tatlo mula nang magdalaga si KC at bumalik ng Pilipinas si Gabby.

* * *

Malamang na ma-delay ang pag-alis ng mga artista na kasali sa celebrity edition ng Survivor Phi­lippines dahil nasa Amerika pa si Richard Gu­tierrez.

Si Richard ang host ng show at hindi puwedeng umalis ng Pilipinas ang mga celebrity contestant na hindi siya kasama.

Sikretong-sikreto ang identity ng mga celebrity, pati na ang bansa na pagdarausan ng Season 3 ng sikat na reality show ng GMA 7 pero may nasa­gap ako na tsismis na posibleng kasali ang isang Japanese-Brazilian model at ang female avenger ng Starstruck V.

* * *

Nagpapasalamat si Ruffa Gutierrez sa isang cell phone company dahil sa 50% discount na ibinigay sa kanya.

Naloka kasi si Ruffa nang matanggap nito ang cell phone bill niya dahil umabot sa P100K ang sini­singil sa kanya.

May charges na hindi maintindihan si Ruffa kaya inisip niya na mag-subscribe sa ibang cell phone company.

Nakarating sa management ang reklamo ni Ruffa, inimbestigahan ang kanyang complaint at binigyan siya ng 50% discount.

* * *

Iba naman ang kaso ni Juliana Palermo. Sini­singil din siya ng isang cell phone company dahil hindi niya binabayaran ang kanyang cellphone bill na lampas din sa P100,000.

Magkaiba ang problema nina Ruffa at Juliana dahil sinadya nito na huwag bayaran ang cellphone bill na mula pa noong 2007.

Wanted na si Juliana ng Globe Tele­com­munications dahil sa hindi niya pagbabayad. Hindi pala alam ng management ng Globe na si Juliana ang irresponsible cell phone subscriber dahil ang kanyang tunay na pangalan na Alvi July Juanico ang ginamit niya nang mag-apply siya ng post paid plan.

Ipinagmamalaki ni Juliana sa kanyang Face­book account na tama ang desisyon niya na mag-quit sa showbiz dahil mas maganda ang takbo nga­yon ng kanyang buhay. Nag-quit ba siya o talagang hindi nabigyan ng mga project dahil sa kanyang attitude problem?

At kung totoo na maayos na ngayon ang buhay ni Juliana, bakit hindi niya bayaran ang kanyang mga pagkakautang? Hihintayin pa ba niya na idemanda siya ng Globe? Mahirap ang tumatakas sa mga obligasyon dahil nasa tabi-tabi lang si Carmi Martin ‘ha?

* * *

Natuloy ang Thanksgiving party ng Revilla family para sa mga miyembro ng entertainment press na sumuporta sa kandidatura nina Bong, Lani, Strike, at ni Junjun Ynares, ang asawa ni Andeng Bautista-Ynares.

Re-elected si Bong bilang senador, si Strike bilang mayor ng Bacoor Cavite at si Junjun as Rizal governor. Nahalal naman si Lani na house rep­resentative ng District 2 ng Cavite. Nagbitiw na si Lani bilang board director ng San Miguel Corpo­ration dahil sa pagpasok niya sa pulitika.

Show comments