Buhay ni Robin bawal pakialaman ng anak

Sa kabila ng napaka-hectic niyang schedule, rehearsals for Party Pilipinas at gabi-gabing paghu-host ng dating game na Take Me Out, aakalain mo bang magagawa pang pasyalan ni JayR ang kan­­­­yang girlfriend na si Krissa Mae, currently Bb. Pilipinas International, sa Malaysia na kung saan may show ito kasama si Julio Iglesias. Kung hindi ito true love, hindi ko na alam kung ano pa ang tawag dito.

Wala, talagang na-in love na si JayR. At sa mga ikinikilos niya ngayon ay handa na nitong iwan ang kanyang pagka-binata para sa kanyang mahal. ‘Yun nga lang may problema dahil kailangang tapusin pa ni Krissa Mae ang kanyang reign sa Bb. Pilipinas bago ito makagawa ng pansarili niyang plano sa buhay, gaya ng pag-aasawa.

Dito na masusukat ang pasensiya ni JayR. Mahintay kaya niya ang girlfriend niya? At tanggapin kaya nito ang proposal niya kung saka-sakali? Huwag nating kalilimutan na bukod sa kanyang pagiging isang beauty queen ay isa ring mabilis na sumisikat na artista ito bago niya ipinagpalit sumandali ang kanyang showbiz career para maging isang beauty queen. After her reign, payag na ba itong hindi ba­likan ang kanyang pag-aartista?

* * *

Hindi naman nakapagtataka kung mapikon si Lito Calzado, ama at manager ni Iza Calzado sa napakabagal daw na pagbibigay ng proyekto ng GMA 7 sa kanyang anak. Magaling naman kasi ang kanyang anak at porke hindi ito mareklamo ay okay na kung inaabot ng buwan bago magkaroon ng kasunod ang natatapos niyang trabaho? Eh maraming Kapuso stars ang sa pakiramdam niya ay mas ma­suwerteng di hamak sa kanyang anak. Kaya siya umaalma.

Pero si Iza na hindi alam ang mga negosasyon na pinagdadaanan ng kanyang ama para sa kanya ay kampante lamang. Malalaman lang kasi niya kapag may trabaho na. Ganito naman kasi ang manager, they negotiate, look for jobs para sa mga alaga nila. At sinasabi lamang nila kapag may magandang resulta na, kung wala hindi na malalaman ng artista.

* * *

Aware naman pala si Queenie Padilla sa isyu sa kanyang amang si Robin Padilla at kay Mariel Rodriguez pero hindi siya nakikialam. Tulad din ng ‘di niya pakikialam sa naging paghihiwalay ng kanyang mga magulang kahit pa naapektuhan silang mga anak. Katuwiran niya, problema nila ‘yun, tanging sila lamang ang makakalutas. Silang mga anak ay naghihintay lamang ng resulta.

Hindi rin nakikialam si Queenie kung sino man ang makapalit ng kanyang ina sa puso ni Robin. Basta raw kung saan ito maligaya, dun siya. Good girl, Queenie.

* * *

Bago pa nangyari ang insidente kay Jake Vargas at sa director niya sa First Time, talagang napagpasyahan na ng GMA 7 na hindi siya ilagay sa Pilyang Kerubin. Gusto nilang hindi sila makilala bilang bahagi lang ng isang young love triangle. May ibang plano ang GMA para sa kanya at iginagalang ko ito.

Magsisimula na rin naman si Jake sa isang series na kasama si Aljur Abrenica kaya hindi ako nag-aalala na matatagalan bago masundan ang First Time. Isa pa, may plano ang GMA na pagawin siya ng album kaya alam ko na hindi mababakante ang alaga ko.

Isang magandang leksiyon ang natutunan ni Jake sa mga nangyari. Kumbaga, mas handa na siya nga­yon na pangatawanan ang kanyang trabaho. Isasa-isantabi muna niya ang personal na talagang na­ka­kaapekto sa kanyang trabaho at pangangatawanan ang pagiging isang propesyonal, pangako niya ito sa akin.  

Show comments