MANILA, Philippines - Tumanggap kamakailan ang broadcast giant na GMA Network ng 2009 Corporate Governance Award mula sa Institute of Corporate Directors (ICD) bilang isa sa top 30 publicly-listed companies na at par sa pandaigdigang pamantayan para sa compliance at corporate governance practices.
Ang mga katuwang ng ICD, na kinabibilangan ng Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine Stock Exchange (PSE), Ateneo Law School, Institute of Internal Auditors of the Philippines (IIAP) at Center for International Private Enterprise (CIPE) ang nagbigay ng marka sa transparency, accountability at practice ng good governance ng GMA Network.
Ang annual awards event, na nasa ika-limang taon na ngayon, ay naglalayong magtaguyod ng transparency, accountability, at general practice ng good governance. Umabot sa 214 na kumpanya ang lumahok sa nasabing event noong 2009.