^

PSN Showbiz

Media binawal sa birthday ni Hayden Kho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natuloy kahapon ang pag-alis ni Anne Curtis at ng production crew ng Viva Films. Papunta sila sa California para sa shooting ng In Your Eyes. Na-delay ang pag-alis ng grupo dahil nata­galan ang paglabas ng kanilang mga working visa.

Hindi kasama si Claudine Barretto sa mga umalis kahapon dahil 7:00 a.m. na nang matapos ang taping niya para sa kanyang drama anthology sa GMA 7 kaya ngayon siya lilipad sa Amerika.

* * *

Hiwalay na pala ang mag-asawang Al at Tipper Gore. Pinatulan ko ang isyu ng kanilang paghihiwalay kesehodang wala silang kinalaman sa buhay ko dahil darating sa Pilipinas sa susunod na Linggo si Papa Al para sa kanyang speaking engagement tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

Si Papa Al ang dating Vice President ng Ame­rika na nagpakita ng pagmamahal sa mundo at na­tural na kalikasan sa pamamagitan ng video na Inconvenient Truth.

Malaking balita para sa mga Amerikano ang paghihiwalay ng lovable couple dahil walang third party na sangkot as in parang nagsawa lang sila sa kanilang relasyon na tumagal ng 40 taon.

Ewan ko lang kung magkakalakas ng loob ang Fili­pino media na tanungin si Papa Al tungkol sa break-up nila ng kanyang misis.

* * *

Dumating na kahapon mula sa Amerika sina Rhian Ramos at Mark Herras. May TV crew na nag-abang sa kanila sa Centennial Airport pero na­bigo sila na mainterbyu si Rhian tungkol sa tsismis na nagbakasyon sila ni Mo Twister sa Paris.

Hindi nagpainterbyu si Rhian pero hindi nawa­walan ng pag-asa ang mga TV reporter. Susu­bukan ng Startalk na makuha ang panig ni Rhian kaya panoorin ninyo sa Sabado ang aming show.

* * *

Malamang na matuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa November at ayon ito sa isang malapit kay Pacquiao na naka­usap ko.

Kung matutuloy ang kanilang laban at gaganapin ito sa Texas, baka manood ako dahil type ko na maranasan ang bumiyahe sa isang private plane.

Private plane ang ginamit ni Manny at ng kanyang mga kasama nang pumunta sila sa Texas pa­ra sa laban nila noon ni Joshua Clottey. Tuwang-tuwa sila dahil naranasan nila ang VIP treatment ‘huh!

* * *

Natuloy ang 30th birthday party ni Hayden Kho Jr. sa isang Rockwell condo noong Martes ng gabi.

Very private ang party kaya hindi pinayagan ang media na kunan ang birthday celebration ni Hayden.

Ang sey ng aking source, bongga ang mga pag­kain dahil may caviar, prawns at steak kaya enjoy na enjoy ang mga guest. Ang balita ko, hindi pumayag ang lawyer ni Hayden na kunan ng TV crew ang party dahil baka mag-react na naman ang kampo ni Katrina Halili.

vuukle comment

AMERIKA

ANNE CURTIS

CENTENNIAL AIRPORT

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

FLOYD MAYWEATHER JR.

PAPA AL

RHIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with