Bianca at Heart bawal nang pagtabihin

TRUE : Hindi talaga okay sina Heart Evange­lista at Bianca King. Ang isa sa ‘di nataypan ni Heart kay Bianca nang huli siyang kinumpronta nito sa party ng kaibigan nilang si Solenn Heu­saff.

Lasing daw nun si Bianca at kinulit-kulit si Heart na tipong tinatanong kung totoong hate siya nito. Tumayo na lang daw si Heart sabay walked-out sa party.

Ang sumunod naman ay ang eksena sa Par­ty Pilipinas na natapakan ni Bianca si Heart sa rehearsal nito at meron pang naitulak niya ito sa stage habang sumasayaw sila.

Ngayon ay napagkasunduan sa Party Pilipi­nas na hindi sila pu­wedeng magtabi sa mga susu­nod nilang dance number.

Ayaw nang palikihin pa ni Heart ang kuwento, hindi na rin nagsasalita si Bianca. Hayaan na lang daw mamatay ang isyu. Pero sana tapusin na rin ang kamalditahan!

* * *

TANONG : Totoo kayang muling nililigawan ngayon ni Zanjoe Marudo si Mariel Rodriguez para magkabalikan sila?

Dahil sa posibilidad na pagkakadebelopan nina Robin Padilla at Mariel, lalo raw nagpur­sige si Zanjoe na suyuin muli ang dating kasin­tahan para hindi ito mahulog kay Robin.

* * *

TOTOO kaya ang nakarating na tsika sa aming may naganap na kababalaghan sa isang magandang aktres at guwapong video jock nang magkalasingan sila sa isang out of town summer event?

Nakita ng kaibigan naming photographer na hindi na makagulapay sa sobrang kalasingan ang magandang aktres kaya hinatid na ito sa kuwarto ng guwapong VJ na isa sa mga naka­inuman niya.

Katabi kasi ni fotog ang cottage na tinitirhan ni magandang aktres kaya nakita niya nang inihatid ito nung VJ. Pero palinga-linga raw si VJ sa paligid bago niya ipinasok si aktres sa cottage nito.

Nagkamalisya ang nakasaksing photogra­pher kaya hinintay niya talaga hanggang sa nakalabas si guwapong VJ.

Muntik nang sumuko sa paghihintay si photographer dahil inabot daw ng ilang oras bago ito nakalabas.

Paglipas ng ilang oras, lumabas na si VJ na palinga-linga na naman sa paligid niya kung meron bang nakakita sa kanya.

Pinahulaan sa amin ng aking source kung ano ang ginawa ng dalawa sa cottage ng aktres.

A) Pinunasan ni VJ hanggang sa nahimas­masan na itong si aktres.

B) Tinuloy nila ang inuman sa loob ng cot­tage.

C) Nagpabantay muna si aktres kay VJ hanggang sa nakatulog ito.

D) None of the above

Ang isyu lang dito, naghahanda na si aktres sa nalalapit na pagpapakasal

sa kanyang non-showbiz boyfriend.

* * *

TSIKA LANG : Sa presscon ng Pilyang Ke­ru­­bin na magsisimula na sa Lunes pagkata­pos ng 24 Oras, kinumpirma sa amin ni Ritchie Paul Gutierrez na girlfriend ng Kuya Richard Gutierrez niya si Jewel Mische.

Magkasama sila ni Jewel dito sa Pilyang Ke­rubin at botong-boto si Ritchie Paul kay Jewel dahil napakabait daw nito, smart at very religious.

Show comments