^

PSN Showbiz

Noy nakakaiyak, naka-A sa CEB

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“’Yan ang pelikula,” sabi ng majority sa ka-miyem­bro ko sa Cinema Evaluation Board pagkatapos mapanood ang pelikulang Noy starring Coco Martin na kuwento ng buhay ni Noy, kapanga­lan ni Sen. Noynoy Aquino na ang misyon ay manalo – si Noy na gi­na­gampanan ni Coco, manalo sa kahirapan para sa kanyang pa­milya.

Nakakaiyak ang pelikula na magsisimulang mapa­nood sa mga sinehan ngayong araw.

Graded A ng CEB ang Noy. Unanimously.

Magaling si Coco sa pelikulang ito. Natural ang acting niya na isang nagpanggap na journalist mata­pos makakuha ng pekeng diploma. Nakapasok sa isang TV station pero unti-unting na­diskubre na wala pala itong galing dahil walang maipakitang matinong trabaho.

Actually, magaling lahat ng artista sa pelikula – bukod kay Coco – si Joem Bascon, Cherry Pie Picache, ang batang gumaganap na kapatid nina Coco at Joem (Cheska Billones) at maging ang sup­porting characters.

Mag-iina dito sina Joem, Coco, at Cheska. Nanay nila si Cherry Pie na no read no write at ang pagpi-pedicure ang tanging ibi­nu­buhay sa kanila. Maaga silang naulila sa ama.

Nakatira sila sa isang lugar na hanggang sa kasalukuyan ay baha dahil sa nagdaang bagyong Ondoy.

Sa tuwing uuwi sila, kailangan nilang sumakay ng balsa.

Si Joem ang panganay. Pero nabalda siya sa isang aksidente kaya hindi makatulong sa kanyang pamilya.

Si Coco ay naglakas ng loob magpanggap na journalist na sa tu­long ng kanyang girlfriend na ginampanan ni Erich Gonzales ay nagmukhang kagalang-galang. Ipinahihiram ni Erich ang damit ng kanyang kuya kaya naging disente ang hitsura nito at natanggap nga na journalist.

Na-assign si Noy na i-cover ang kampanya ni Sen. Noynoy na noong una ay wala siyang planong iboto, pero habang sinusundan niya ang takbo ng kampanya ng presidentiable, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw lalo na nga’t madali siyang nakahingi ng wheel chair para sa kanyang kapatid na baldado.

Ang nanay naman niyang hindi makasulat at maka­basa ay nakakuha ng manliligaw na black American na hinihingan niya (Noy) ng datung kapalit ng usapan na ilalakad niya ito sa kanyang nanay.

Gusto na sana niya ang Amerikano dahil baka ‘yun na raw ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan at makakarating sila ng Amerika, pero hindi nangyari ang lahat.

Ang kapatid naman niyang baldado ay nag­karoon ng pag-asa nang magka-wheelchair. Nag­balik sa paglilinis ng sapatos na raket pala ang pagtutulak ng droga.

Maraming mga eksena sa pelikula na ini-interview ni Noy ang senador na nanalong presidente ng bansa. May mga eksena ring kasama sina Kris Aquino at Baby James na parang sa pelikula lang mapapanood na part ng trabaho ni Coco na hindi naman nagustuhan ng kanyang boss na gi­nam­panan ni Vice Ganda.

Malungkot ang kuwento dahil mararamdaman mo ang hirap ng kalooban ni Coco sa pelikula na gus­tung-gustong umasenso ang buhay ng pamilya pero hindi niya alam kung paano gagawin lalo pa nga’t nadiskubre na siya ng kanyang boss na hindi siya totoong journalist.

Very touching ang eksena na papel na batang kapatid ni Coco na si Cheska na nabulag. Hindi pala nila alam, diabetic ang bata kaya nabulag. Matalino pa naman yung bata.

Sad ang ending dahil mamamatay si Coco. Pero kung paano, yun ang dapat panoorin n’yo.

BABY JAMES

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

CHESKA

CHESKA BILLONES

CINEMA EVALUATION BOARD

COCO

COCO MARTIN

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with