MANILA, Philippines - Umpisa na ngayong Miyerkules, 10 p.m., sa Q Channel 11, ang bagong lifestyle magazine show para sa mga nais ng healthy, fit, at active lifestyle — X-Life. Sa bawat episode, ipapa-experience ng programa, sa tulong ng mga hosts na sina Survivor Philippines winner at aktor JC Tiuseco, at TV personalities, at models na sina Steph Henares at Gino dela Pena, ang mga extreme, exciting, and extraordinary activities.
Sa pilot episode ng X-Life, tampok ang isa sa mga pinaka-exotic na summer destinations sa Pilipinas — Ilocos. Marami pang bagong adventure na madidiskubre sa Ilocos at ipapakita ang mga ito ng X-Life team. Naghahanap ng ibang klaseng pagbiyahe sa norte? Subukan ang biking! Sakay ang kani-kanilang mountain bikes, ibang klaseng paglalakbay — na may bonus na napakagagandang tanawin at iba pang mga hidden treasures ng Ilocos — ang na-experience nina Gino at JC.
Pagkatapos nito, nag all-surface surfing naman sina Gino, Steph, at JC. Nag-surfing safari ang tatlo at sinubukan ang mga boards na pandagat — at pang-buhangin!
Hindi rin nila pinalagpas ang healthy Ilocano food. Alamin ang mga pagkaing sinubukan nina Gino at Steph sa Kapuluan Resort. Sa resort, nadiskubre nila ang mga genuine Ilocano dishes na masarap na, healthy pa!