^

PSN Showbiz

Mga paborito sa PBB nanganganib mapalabas

-

MANILA, Philippines - Nagsama-sama sa listahan ng nominado ang mga popular na teen housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Clash of 2010 na sina Bret, Devon, Jenny, at Tricia sa naganap na nomi­na­tion night noong Linggo (Mayo 30).

Inaasahan namang bubugso ang suporta ng kanilang mga tagahanga lalo na sa pagbabalik ng Vote to Save, Vote to Evict system kung saan maaaring i-save ng taumbayan ang housemate na gusto nilang manatili o i-vote to evict ang nominadong gusto nilang palabasin. Ang house­mate na makakatanggap ng pinakama­babang net votes ang siyang mapapalabas ng bahay ni Kuya.

Para mag-“Vote to Save,” i-text lang ang BBS(space)NAME OF HOUSEMATE, at para na­man mag-vote to Evict, i-text lang ang BBE(space)NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, TM at Bayan Wireless subscribers, at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers.

Paano kaya haharapin ng apat ang weekly task na may kinalaman sa pag­bubuo ng concert habang iniinda ang pagboto sa kanila ng mga kasama? Sino rin kina Ivan, Tricia, Devon, An­gelo, at Fretzie ang mananalo sa Big Jump to the Big Night para sa isang slot sa Teen Big Night?

Abangan iyan kasama si Mariel Rodriguez sa PBB Teen Clash of 2010 Uber pagkatapos ng Naruto Shippuden 3, si Toni Gonzaga sa prime­time pag­katapos ng Rubi at Bianca Gonzalez sa PBB Updates.

vuukle comment

BAYAN WIRELESS

BIANCA GONZALEZ

BIG JUMP

BIG NIGHT

MARIEL RODRIGUEZ

NARUTO SHIPPUDEN

PINOY BIG BROTHER

SHY

SUN CELLULAR

TEEN CLASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with