Paolo pinapa-move on ang friends na ayaw kay Lian

Ayaw mag-comment ni Jackie Rice sa tsikang ang next project niya sa GMA 7 after Panday Kids ay support siya nina Aljur Abrenica at Rhian Ra­mos dahil wala pa siyang alam. Nadidinig lang niyang ang dalawa ang makakasama niya, pero wala pa siyang idea sa role niya.

Pare-parehong under GMA Artist Center (GMAAC) ang tatlo, pumayag kaya ang GMAAC na mag-support si Jackie, gayung nagbibida na siya?

Anyway, kahapon sa Zambales ang last taping day ni Jackie ng Panday Kids na magtatapos na sa Friday. Natutuwa si Jackie sa magiging ending ng karakter niyang si Sarah, malaking twist ang mangyayari sa karakter niya.

Hindi ang maging big star, kundi ang maging magaling na aktres ang dream ni Jackie, kaya masaya ’pag nakakarinig ng feedback na malaki ang improvement niya sa acting at wish niyang mabigyan pa siya ng magandang project at challenging role.

Heto ang mas bigger challenge kay Jackie, kung paano matutupad ang dream niyang makatrabaho si Coco Martin. Malabong mangyari ito sa TV dahil sa magkaibang network sila naka­kontrata, kaya maghintay na lang si Jackie na may pro­ducer na makakaisip na pagtambalin sila ni Coco sa isang indie film.

* * *

Naka-post sa Face­book account ng isang aktor ang mga litrato nila ng actress-girlfriend na kuha sa iba’t ibang okas­yon. Okay sa mga nakakita ang mga pic­tures na sweet-switan sila, gaya noong ti­nu­turuan ng actor mag-skate ang GF at ’yung gina­gamot niya ang sugat ng aktres.

Ang foul sa panlasa ng mga nakakita ng mga photos nila ay ’yung litratong nasa harap ng da­la­wa ang mga bote ng alak. Dapat hindi isinama sa pic­ture-taking ang mga bote ng alak dahil hindi ma­gan­da sa actress na wholesome ang image sa mga fans.

Walang problema sa aktor dahil bukod sa lalaki siya at nasa edad na para uminom, iba ang kaso ng GF niya. Sana, sila-sila na lang ang nakakaalam na nag-iinuman sila o kung lumalaklak ng alak ang ak­tres at hindi na sana sila nagsama ng ebidensiya.

Sabagay, nabago ang lifestyle ng young actress mula nang maging BF ang young actor at pati nga ex-BF nito ay nagugulat sa malaking ipinagbago ng dating nobya.

* * *

Balik-acting si Paolo Contis dahil kasama siya sa cast ng Pilyang Kerubin na magpi-premiere sa June 7, pagkatapos ng 24 Oras. Bad boy na na­man dito si Paolo dahil gagampanan ang role ni Jonas na gugulo sa relasyon nina Melissa (An­gelika dela Cruz) at Arman (Raymart Santiago). Sa husay gumanap na kontrabida ni Paolo, tiyak na kamumuhian siya ng mga viewers at mukha namang handa na ang aktor na awayin ng mga viewers.

In real life, hindi na kailangang makipag-aga­wan ng babae si Paolo dahil kahit hindi sila kasal ni Lian Paz, masaya silang nagsasama with their baby girl Xonia. Kapag tinatanong kung kailan nila balak pakasal, ang laging sagot ni Paolo ay gusto niyang maging flower girl nila ni Lian ang anak sa wed­ding nila, kaya palalakihin muna nila ang bagets.

Guest co-host si Paolo sa Showbiz Central last Sunday at ’di naitago ang pagka-irita sa mga “kaibigan” niyang up to now, hindi pa rin matanggap si Lian para sa kanya. Kung ayaw daw kay Lian ng mga friends niya, ayaw niya rin sa mga ito at mati­gas na “move on” ang message niya sa mga kaibigang hindi naman binanggit ang mga pangalan.

* * *

Nakita na pala ni Regine Velasquez ang hitsu­ra ni Jason Abergido, ang batang may clef palate na tinulungan nila ng staff ng Diva na ipa-opera dahil pinaldahan si Songbird ng MMS ng bata after his operation.

Na-tweet ni Ogie Alcasid na “Regine was so happy to see him smiling.” Tiyak na pagbalik ni Re­gine, isa si Jason sa gugustuhin niyang makita agad.

Samantala sa Diva, magiging Internet sen­sation ni Melody (Regine) nang may mag-post sa YouTube ng video habang kinakanta niya ang I Don’t Wanna Miss a Thing sa videoke bar. Mapapanood ang video clip nina Barang (Jaya) at Martin (TJ Trinidad) at makikilala ni Barang ang boses ni Melody.

Show comments