Na-delay na ang shooting sa Orange County, California ng In Your Eyes dahil hindi pa nakakarating doon sina Anne Curtis at Claudine Barretto.
Ang balitang nakarating sa akin, naghihintay pa rin ng visa mula sa US Embassy ang ibang kasama sa shooting.
Matagal nang naghihintay sa California si Richard Gutierrez pero wala silang sinisisi ng kanyang nanay na si Annabelle Rama dahil nauunawaan nila ang sitwasyon.
Dahil delayed na ang shooting, affected nito ang schedule ni Richard. Nag-adjust na lang si Richard ng schedule dahil importante na makapag-shooting sila nina Claudine at Anne sa Orange County.
Co-producer ng In Your Eyes ang GMA Films kaya madaling naayos ang schedule ni Richard na malapit nang magsimula ng taping ng Celebrity Edition ng Survivor Philippines kapag natapos na ang mga trabaho niya sa California.
* * *
Menor de edad si Jake Vargas kaya hindi siya puwedeng kapanayamin tungkol sa isyu nila ng direktor na si Andoy Ranay.
Kapag sinabing menor de edad, hindi pa tumutuntong si Jake sa edad na 18. Magaan ang loob ko kay Jake dahil magalang siya na bata at sa tuwing nagkikita kami, palagi niyang binibigkas ang number 6!
Huwag na ninyong alamin ang ibig sabihin ng number 6 dahil private joke namin ’yon ni Jake. Kami lang ang nagkakaintindihan sa private joke na nagsimula sa presscon ng Patient X!
Sa totoo lang, hindi ang isyu nina Jake at Andoy ang gumugulo sa isip ko. Mas mahalaga sa akin na malaman ang correct spelling ng pangalan ni Jake. May letter H ba talaga ang kanyang first name o wala???
* * *
May-i-share ko sa inyo ang thank you letter ni Sen. Manny Villar sa kanyang mga katropa na sumuporta sa kandidatura niya noong nakaraang eleksiyon.Nakapagpahinga na si Papa Manny kaya ready na siya na ipagpatuloy ang pagtulong niya sa ating mga kababayan at ang pagpapasalamat ang kanyang unang agenda:
Dearest Katropa: I write this letter to express my sincerest thanks to all of you for having walked the extra mile with me in this election.
Ours was a difficult but a rewarding journey. Though we did not succeed, we remain triumphant for having fought a good and decent fight. Indeed, while the campaign was intense and grueling, it left me with an indelible experience that I know will serve me well as a public servant.
Throughout the campaign, your unstinting support served as my army of strength and my wellspring of hope that our cause was a great one and is worth fighting for.
You also gave me the courage to stand up and face the country a day after the election to accept defeat but never the demise of our common cause to end poverty.
I can only wish that our message in this election (“Hindi Bawal Mangarap ang Mahirap”) has planted the seeds of hope for every poor young girl and boy that they too, can overcome poverty and dream to lead this country someday. For me, this is the real victory.
I know I can never thank you enough for being with me all throughout the campaign and for continuing to believe in me as I continue my work as a senator. Let me give it back to you by once again working very hard in the remaining three years of my term. You deserve no less. Maraming maraming salamat!