Goma sure na lilipat sa TV5!

Seen: Ang apple mango na halos kasing-laki ng papaya na bunga ng mga punong mangga sa farm ni Susan Roces sa Batangas. Ipinagmamalaki ni Susan ang kakaibang bunga ng kanyang mga punong mangga.

Scene : Ang depensa ni Mo Twister na gusto lang niyang magtrabaho kaya lumipat siya sa TV5. Walang nagbabawal kay Mo na magtrabaho ngu­nit hindi niya dapat kalimutan ang kanyang res­ponsibilidad na igalang ang mga kontrata na pini­pirmahan niya.

Seen : Palpak ang production number with rain effect ng Party Pilipinas. Hindi nakita ang mukha ng mga performer dahil sa lakas ng tubig.

Scene : Ang hosting job ni Richard Gomez sa P.O.5 ang indikasyon na lilipat na rin siya sa TV5.

Seen : Hindi nakakatawa ang gags ng I Laugh Sabado ng Q Channel 11

Scene :   Rico Cepeda ang sinabing panga­lan ni Heart Evangelista nang i-promote niya sa Startalk ang Langit Sa Piling Mo. Si Ri­cardo Ce­­peda ang co-star ni Heart sa Langit Sa Piling Mo.

Seen : Si Senator Noynoy Aquino at ang kan­yang girlfriend na si Shalani Soledad sa farewell con­cert ng APO sa Music Museum noong Sa­bado.

Scene : Napaluha si John Lapus nang ru­mam­­­pa ito sa Santacruzan ng mga bading sa Ma­­­labon noong Sabado. Talyada ng Malabon ang bagong tawag sa gay Santacruzan upang hindi na mag-react ang Simbahang Katoliko.

Show comments