Actress hiniwalayan ang BF para sa partner na young actor

Hindi ako magugulat kung magkaroon ng relasyon ang young actor at young actress dahil sa kanilang sobrang closeness.

Hindi idine-deny ng young actor na in love ito sa aktres pero naghihintay siya ng tamang pagkakataon. Halatang in love din sa kanya ang young actress or else, hindi nito hihiwalayan ang dating boyfriend.

Martir sa pag-ibig ang young actor. Ma­su­werte ang young actress kapag siya ang naging boyfriend dahil ginagawa nito ang lahat para mapaligaya ang kanyang minamahal. Masahol pa sa sugar daddy kung magmahal ang young actor.

* * *

Itinuloy ng GMA Network ang demanda nila laban kay Mo Twister dahil sa breach of con­tract. Noon ko pa nabalitaan ang balak ng GMA management dahil lumipat si Mo sa TV5 kese­hodang hindi pa tapos ang kontrata nito.

Hindi ako nagtaka nang isama sa demanda ang TV5 dahill tinanggap nila si DJ Mo, kahit ang GMA 7 ang may first option na i-renew ang kontrata na nag-expire noong May 3, 2010.

Nag-file din ng TRO ang GMA 7 para pigilan ng korte si Mo na lumabas sa mga programa ng TV5. Malalaman natin kung nag-grant ang TRO kapag hindi na natin napapanood si Mo sa mga TV show ng Kapatid network.

* * *

Naalaala ko ang kaso ni JC De Vera noong 2009. Nag-expire ang kontrata ni JC sa GMA 7 noong March 14, 2009 pero hindi siya nagmadali na lumipat.

Naghintay si JC ng isang taon bago siya nag-ober da bakod sa TV5 para hindi magkaroon ng dahilan ang Kapuso management na idemanda siya.

Ginagawa ni JC ang Panday Kids nang tulu­yang mawalang bisa ang kontrata niya sa GMA 7 noong March 14. Hindi na hinintay ni JC na ma­ta­pos ang Panday Kids. Nagpaalam siya sa GMA at tuluyang lumipat sa TV5.

Kung hindi nagmadali si Mo, hindi na sana siya nagkaroon ng sakit sa ulo. Pumirma kasi si Mo ng kontrata sa TV5 bago nag-expire ang kontrata niya sa GMA noong May 3, 2010. Nakita rin siya sa backstage ng World Trade Center sa bonggang launch ng TV5 

* * *

Na-corner ng Startalk si JC Tiuseco sa press­con ng Langit Sa Piling Mo, bago siya nag-disappearing act.

Malinaw ang sinabi ni JC, hindi siya ang da­hi­lan ng away nina Pauleen Luna at Maxene Magalona. Hindi rin siya nanligaw kay Pauleen.

Napansin ko na naging maingat sa pagsagot si JC dahi ayaw niya na lumaki pa ang isyu. Safe na safe ang sagot ni JC sa isyu na desisyon ni Pia Magalona na huwag muna silang pagtam­balin ni Maxene.

Show comments