TV5 sabit sa kaso: GMA 7 kinasuhan si Mo Twister
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng GMA 7 ng P2 milyong kasong sibil sa QC prosecutor’s Office ang host at radio jock na si Mo Twister o Mohan Gumatay sa tunay na buhay dahil sa umano’y breach of contract. Kasamang kinasuhan ang TV5 dahil sa pagkuha kay Mo Twister bilang bago nilang talent.
Kaugnay nito, hiniling din ng GMA 7 sa QC court na magpalabas ng kautusan laban kay Mo Twister upang bayaran ang hiwalay na halagang mahigit P2 milyon dahil dito.
Sa kanilang 16 pahinang reklamo, hiniling din ng GMA 7 na maglabas ang korte ng temporary restraining order na mag-uutos kay Mo Twister na itigil ang pag-appear bilang host ng Paparazzi, ang Sunday afternoon talk show ng TV5 kasama sina Ruffa Gutierrez, Dolly Anne Carvajal, at Cristy Fermin at maging sa iba pa nitong programa sa TV5.
Ang kasong ito ay ini-raffle sa sala ni QC RTC Branch 217 Presiding
Judge Santiago Arenas.
Binigyang diin ng GMA 7 na may kasalukuyang exclusive talent agreement sa kanila si Mo Twister hanggang May 3, 2011 kaya’t bawal itong maging talent sa ibang istasyon.
Bukod sa P2 milyon civil case, pinagbabayad din ng GMA 7 si Mo Twister at TV5 ng halagang P1 milyon bilang attorney’s fees at P1 milyon bilang litigation expenses. (ANGIE DELA CRUZ)
- Latest