AiAi palit kay Kris sa The Buzz

Nakatakdang gumawa ng kasaysayan sa in­dus­triya ng pelikulang Pilipino ang Film Develop­ment Council of the Philippines (FDCP) sa pa­ki­­ki­pag­tulungan sa Cultural Center of the Phi­lip­­­pines at ang award-winning director na si Chi­to S. Roño dahil sa kauna-unahang pagkaka­taon ay isang mapangahas na proyekto ang ka­nilang sinu­galan sa pamamagitan ng isang orihi­nal na Pinoy musical, ang Emir.

Napakalaking break ang ipinagkatiwala sa ba­gu­hang si Frencheska Farr sa pelikulang ito na ami­­nadong kinabahan kay Direk Chito bilang direc­­tor pero pagkatapos ng shooting, sobra ang kan­yang pasasalamat sa megman at sa kanyang mga kasamahan sa pelikula.

Tiyak na makaka-relate sa musical film na Emir ang mga OFWs at kanilang mga pamilya pero higit sa lahat ang mga film buffs in general.

Sa full-trailer pa lamang ng pelikula ay kaa­bang-abang na laluna’t kauna-unahan ito sa industriya.

Ang tanong, Salve A., handa na nga kaya ang Filipino audience sa ganitong klaseng genre?

* * *

Marami rin ang pinahanga ng boxing hero and congressman-elect (ng lone district ng Sarangani) na si Manny Pacquiao dahil pinaghahandaan niya ang kanyang pag-upo bilang isang mamba­batas. Balak ni Manny na kumuha ng crash cour­se sa pub­­lic administration sa U.P. para naman hindi siya mag­mukhang katawa-tawa sa publiko at sa kanyang magiging mga kasama­han sa kongreso.

Ngayong isa nang kongresista si Manny na unang naging mailap sa kanya nang siya’y ku­man­dida­to sa GenSan, maging dahilan kaya ito sa agaran niyang pagre-retiro sa boxing arena?

Pero sa pagkakaalam ko, Salve A., balak pa niyang labanan si Floyd Mayweather bago ipa­­hinga ang kanyang mga boxing gloves.

* * *

Kahapon, Biyernes ay nagtapos na ang pan­samantalang paghu-host ng action superstar na si Robin Padilla sa Wowowee na iniwanan ng original host nitong si Willie Revillame.

Aminado si Robin na nagi-enjoy siya sa prog­ra­ma dahil sa maraming taong pinasasaya nito. Ma­rami ring ginawa si Robin sa programa na dati-rati’y hindi niya ginagawa.

Sinabi rin nito na bukas siya sa posibilidad na bumalik sa programa kung nanaisin ang kan­yang serbisyo.

May dalawang pelikulang sisimulan si Robin sa Star Cinema, a movie with Toni Gonzaga at ang isa naman ay balik-tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Vina Morales na may tentative title na Ang Tatay Kong Hoodlum na sequel sa dalawang hit movies nila noon sa bakuran ng Viva Films.

Sa totoo lang, Salve A., napakaganda ng ima­he ngayon ni Robin sa kabila ng kanyang image noon na bad boy. Kabi-kabila rin ang kanyang mga en­dorse­ments ngayon at pinakabago ang isang sham­­poo at jeans bagay na ipinagpapa­salamat nito.

Ngayong loveless (?) si Robin, magkaroon kaya ng part 3 ang love affair nila ni Vina Morales lalupa’t gaga­wa silang muli ng pelikula? Your guess is as good as mine!

* * *

Malakas ang bulung-bulungan na strong candi­date umano ang comedy concert queen na si AiAi de las Alas para makapalit ni Kris Aqui­no sa The Buzz. Malakas naman ang dating ni Toni Gonza­ga bilang co-host ni Boy Abunda sa SNN.

Sa ngayon, we can only guess pero natitiyak namin na may mga kinu-consider na ang pamu­nuan ng ABS-CBN na makakasama ni Boy Abunda sa The Buzz at SNN.

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments