AiAi palit kay Kris sa The Buzz
Nakatakdang gumawa ng kasaysayan sa industriya ng pelikulang Pilipino ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan sa Cultural Center of the Philippines at ang award-winning director na si Chito S. Roño dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay isang mapangahas na proyekto ang kanilang sinugalan sa pamamagitan ng isang orihinal na Pinoy musical, ang Emir.
Napakalaking break ang ipinagkatiwala sa baguhang si Frencheska Farr sa pelikulang ito na aminadong kinabahan kay Direk Chito bilang director pero pagkatapos ng shooting, sobra ang kanyang pasasalamat sa megman at sa kanyang mga kasamahan sa pelikula.
Tiyak na makaka-relate sa musical film na Emir ang mga OFWs at kanilang mga pamilya pero higit sa lahat ang mga film buffs in general.
Sa full-trailer pa lamang ng pelikula ay kaabang-abang na laluna’t kauna-unahan ito sa industriya.
Ang tanong, Salve A., handa na nga kaya ang Filipino audience sa ganitong klaseng genre?
* * *
Marami rin ang pinahanga ng boxing hero and congressman-elect (ng lone district ng Sarangani) na si Manny Pacquiao dahil pinaghahandaan niya ang kanyang pag-upo bilang isang mambabatas. Balak ni Manny na kumuha ng crash course sa public administration sa U.P. para naman hindi siya magmukhang katawa-tawa sa publiko at sa kanyang magiging mga kasamahan sa kongreso.
Ngayong isa nang kongresista si Manny na unang naging mailap sa kanya nang siya’y kumandidato sa GenSan, maging dahilan kaya ito sa agaran niyang pagre-retiro sa boxing arena?
Pero sa pagkakaalam ko, Salve A., balak pa niyang labanan si Floyd Mayweather bago ipahinga ang kanyang mga boxing gloves.
* * *
Kahapon, Biyernes ay nagtapos na ang pansamantalang paghu-host ng action superstar na si Robin Padilla sa Wowowee na iniwanan ng original host nitong si Willie Revillame.
Aminado si Robin na nagi-enjoy siya sa programa dahil sa maraming taong pinasasaya nito. Marami ring ginawa si Robin sa programa na dati-rati’y hindi niya ginagawa.
Sinabi rin nito na bukas siya sa posibilidad na bumalik sa programa kung nanaisin ang kanyang serbisyo.
May dalawang pelikulang sisimulan si Robin sa Star Cinema, a movie with Toni Gonzaga at ang isa naman ay balik-tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Vina Morales na may tentative title na Ang Tatay Kong Hoodlum na sequel sa dalawang hit movies nila noon sa bakuran ng Viva Films.
Sa totoo lang, Salve A., napakaganda ng imahe ngayon ni Robin sa kabila ng kanyang image noon na bad boy. Kabi-kabila rin ang kanyang mga endorsements ngayon at pinakabago ang isang shampoo at jeans bagay na ipinagpapasalamat nito.
Ngayong loveless (?) si Robin, magkaroon kaya ng part 3 ang love affair nila ni Vina Morales lalupa’t gagawa silang muli ng pelikula? Your guess is as good as mine!
* * *
Malakas ang bulung-bulungan na strong candidate umano ang comedy concert queen na si AiAi de las Alas para makapalit ni Kris Aquino sa The Buzz. Malakas naman ang dating ni Toni Gonzaga bilang co-host ni Boy Abunda sa SNN.
Sa ngayon, we can only guess pero natitiyak namin na may mga kinu-consider na ang pamunuan ng ABS-CBN na makakasama ni Boy Abunda sa The Buzz at SNN.
* * *
- Latest