^

PSN Showbiz

Nasabing mayaman ang dyowa: Sylvia Sanchez panay naman ang kayod

- Veronica R. Samio -

Hindi kailangang mag-artista ni Sylvia Sanchez para matustusan ang edukasyon ng kanyang mga anak, lima silang lahat na ang pinakamatanda ay mahigit ng 20 taong gulang at ang youngest naman ay 5 month old. Kayang-kaya silang papag-aralin ng kan­yang asawa at ama ng mga bata. Pero patu­loy pa rin siya sa kanyang pag-aartista dahil pas­sion niya ito. Kahit hirap siyang pagsabayin ang pa­­ngangalaga sa kanyang pamilya, pag-aasi­kaso sa kanyang negos­yo at pag-aartista wala kang ma­ririnig na rek­la­mo mula sa kanya, masaya siya, may sarili siyang pera, hindi kalakihan pero sarili niya.

Suportado naman ng mister niya ang lahat nilang gastusin, pati ang pag-aartista niya ay hindi nito kinukuwestiyon dahil alam nito na gusto niyang ma­ka­ramdam ng kahit kaunting independence, ‘yung kahit kaunti ay may­roon siyang sariling pera na pinagtrabahuhan niya at hindi bigay niya.

“Alam niya kung gaano ko kamahal ang pag-aar­tista kaya okay lang sa kanya na tumanggap ako ng assignment at wala siyang kundisyon sa mga gina­­gawa ko, talagang full ang support niya,” sabi ng ma­galing na aktres na su­wer­te namang na­­ka­­pagta­trabaho sa dalawang pina­ka­­malalaking network sa bansa, ang GMA at ABS-CBN.

Lilimang buwan pa la­mang siyang nakakapa­nganak pero agad niyang tinang­­gap ang isang role sa bagong ser­ye ng Siete na magsisimulang ma­pa­nood sa Lunes, ang Langit sa Piling Mo star­ring Heart Evangelista, Mark Herras, Katrina Halili, at marami pang iba. Ina ni Heart ang role niya, mabait, hindi salbahe na siyang tatak niya bilang character actress.

“Mabait na nanay ako ni Heart pero very protec­tive lang sa kanya,” imporma ni Sylvia na medyo mataba pa rin dahil bawal pang magpapayat dahil bagong panganak. Pero may grupo siya na nagba-biking bilang exercise.

Kung may ipinagmamalaki man si Sylvia sa kan­yang buhay ngayon, ito ay ang pagkakaroon ng mga anak na bagaman at may hilig mag-artista ay sumu­sunod sa desisyon niyang magtapos muna ng pag-aaral.

 “Mahilig din silang umarte, ‘yung panganay ma­hilig sumayaw. At yung sumunod sa kanya na isang babae ay gusto ring mag-showbiz. Eighteen years old ito, kadi-debut lang pero nakumbinse kong mag­tapos muna ng pag-aaral. Agree naman siya dahil simula pagkabata, sa magagandang schools na siya nag-aral. Nung high school, dean’s lister siya sa La Salle. Gusto namin ng father niya na sa Europe ito mag-aral pero siya ang nag-de­cide na sa University of Hong Kong siya puma­sok. Nung nag-bakasyon kami sa Europe last year, kumuha ito ng entrance sa ilang universities gaya ng Spain, UK, Paris, at Swit­zer­land pero sa Hong Kong niya napag-isipan na ku­muha ng Mass­com/Marketing course. Number one school daw ito sa Asia at top 25 in the world. Marami raw galing dito ang nakakapasok ng Harvard na siya niyang intensiyon dahil gusto rin niyang mag-law in the future.

“Okay na sa akin dahil malapit lang ang Hong Kong madali namin siyang mabibisita at madali rin siyang makakauwi kung gusto,” paliwanag ng very proud na madir sa kanyang anak.

May isang restaurant na inaasikaso si Sylvia sa kasalukuyan. Kumuha siya ng culinary course dahil lang dito and it’s doing good business. Kung gugustuhin niya, makakaya siyang ipagtayo ng asa­wa niya ng isa pang branch pero tumanggi sya.

“Palalaguin ko na lang muna ito. Pag kaya ko na physically baka subukan ko rin pero sa ngayon, tama na ‘yung isang restaurant,” sabi niya.

* * *

Inilunsad ng ABS-CBN ang isa na namang ma­ak­siyong serye na pagbibidahan ni Jake Cuenca, ang Agimat presents Elias Paniki. 

Kakaibang Jake ang mapapanood dito na gu­ma­ganap bilang isang superhero. Si Elias ay isang probinsiyano na sinanay ng isang sundalo sa paki­ki­­paglaban. Gamit ang bertud ng paniki, alamin kung paano niya tatalunin ang mangkukulam na kanyang pinakamatinding katunggali.

Umaasa si Jake na magiging matagumpay din ang kanyang Agimat gaya ng mga naunang series nila Gerald Anderson, Jolo Revilla, at Coco Mar­tin. Ayon sa aktor, proud na proud siya sa bu­ong cast ng Elias Paniki na kinabibilangan nina Ms. Cherry Pie Picache, Jojit Lorenzo, Kelly Misa, Xian Lim, Hermes Bautista, at Sam Pinto.

Mapapanood ito pagkatapos ng huling pagta­tanghal ng Tonyong Bayawak na pinagbibi­dahan ni Coco Martin.

* * *

Short lived pala ang pag-aartista ni Baby James. Katulad ng kanyang famous mom, bow out muna siya sa showbiz hindi dahil presidential nephew siya and a favorite one at that kundi dahil sa magsisimula na siyang pumasok ng school at gusto ng mga parents niya na magkaroon siya ng isang normal na buhay bilang mag-aaral. Ba­bali­kan na lamang daw niya ang pag-aartista niya ka­pag nakatapos siya ng high school. Maka­tagal na­man kaya siya, sila ni Kris Aquino na susu­bukan ding mamuhay ng walang gulo ng showbiz?

Sana nga mapangatawanan ito ni Kris dahil parang hindi siya isinilang para maging isang ma­ta­himik at normal na tao. Kaakibat na ang buhay niya ng gulo, intriga at kon­trobersya. Itago mo man siya, kandaduhan mo man sa isang kwarto mapi-feel mo pa rin ang kanyang presence, gagawa at gagawa siya ng balita, presidential sister man siya o hindi.

DAHIL

ELIAS PANIKI

ISANG

NIYA

PAG

PERO

SHY

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with