Sen. Bong balik-Kapuso na!

“Nag-offer sila, maganda ang nilalaman ng con­tract at naging mabait sila,” ang mga binanggit na ra­son ni Jolina Magdangal kung bakit pumirma siya ng three-year co-managerial contract sa Viva Entertainment.

Sa TV, si Perry Lansigan pa rin ang magma-manage sa kanya at pagbalik nito, saka pag-uusa­pan ang movie at recording contract pati gagawing concert.

“In a relationship” at “very much in love” ang sta­tus ni Jolina at ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta ang rason. Natutuwa siya dahil pati parents niya, parang alam na si Mark na ang “the man” for her at ipinagkakatiwala siya sa BF.

Naging malungkot lang ang mood ng usapan nang mapunta sa ex ni Jolina na si Atty. Bebong Muñoz at kahit nababawan kami sa sinabi nitong rason ng break-up nila, tinanggap na rin namin. Walang third party sa break-up nila’t naisip lang niyang baka makahanap pa si Bebong ng mas ma­kakapagpasaya sa kanya. Kailan lang niya si­nu­nog ang one box ng pictures ni Bebong, cards, at pictures nila together.

 “Tuluy-tuloy ang pagsunog ko, parang tapos na talaga, move on na talaga ako at kaya ako ma­sa­ya dahil naka-move on akong mag-isa at walang sulsol sa ibang tao,” sabi ni Jolina.

Bukod sa BF, sa trabaho ang focus ni Jolina at na­lulungkot man na ma­tatapos na ang Panday Kids, masaya siya sa mang­yayari sa karakter niyang si Ola. Siya ang aampon sa Panday Kids at hang­gang sa huli, magka­kasama sila.

* * *

Inaabangan namin ang magi­ging reaction ng cast ng isang soap dahil big­lang nagdesisyon ang network na bagu­hin ang project na pagbibidahan sana nila. Pinalitan ng net­work ang pro­ject at sa ha­lip na adult drama, gina­wang pam­batang drama.

Nakalatag na sana ang lahat at nag­hi­hintay na lang ang cast, staff, at director ng taping schedule, pero big­lang nag­de­sisyon ang manage­ment na pali­tan ang project ng isang proyekto na nani­niwala silang mas magugus­tu­han at mas tatangkilikin ng viewers.

Kung titingnan, walang dapat ipag­reklamo ang original cast dahil retain sila sa project, kaya lang, may ma­da­dag­dag sa cast at ito pang ma­da­dag­dag ang magbibida. Hinta­yin namin kung may aat­ras sa cast sa latest move na ito ng network.

* * *

Pinagsamang English at Japanese name ang Ethan Akio na napili nina LJ Reyes at Paulo Ave­lino sa baby boy na isisilang ni LJ sa July 30. Sabi ni Paulo, ang ibig sabihin ng Ethan ay brave at hero naman ang ibig sabihin ng Akio.

 “Nami-miss” at “nag-aalala” ang state of mind ni Paulo ngayon dahil nasa New York si LJ at narito siya, pero ‘pag naayos ang kanyang visa, susunod agad siya kay LJ para masamahan ito sa panga­nganak. Dito nila balak pabinyagan ang anak nila at nakalista na ang godparents.

Sa Skype sila nagko-communicate ni LJ nga­yon at ipinapakita sa kanya ang baby stuff na binibili nito. Siya nama’y panay ang basa ng baby books at nanga­kong he’ll be the best dad for his son and the best parents sila ni LJ at nagre-ready na silang maging parents.

Wala pang next project si Paulo after Panday Kids, pero umaasa siyang magkaka-show uli lalo na ngayong magiging ama na siya at may pala­la­ki­hing anak. “Basta excited na ako at excited na ang parents ko sa magiging apo nila,” wika ni Paulo.

* * *

Itinanggi ni Sen. Bong Revilla ang balitang aalis siya sa GMA Network at lilipat sa ABS-CBN. At para patunayang Ka­puso pa rin siya, kasama siya sa bagong station ID ng Chan­nel 7 na ilo-launch bukas sa Party Pilipinas.

Balik-Kap’s Amazing Stories din si Sen. Bong bukas at tungkol sa world famous disasters ang topic. Hindi nabanggit kung mare-re­tain sa show ang anak ni Bong na si Ramboy Revilla at Jayda Avan­­zado na anak nina Jessa Zaragoza at Ding­dong Avanzado.

Show comments