Kahit iniintriga sila at pilit na pinag-aaway dahil sinasabi ng marami na dapat sisihin ni Ara Mina ang kapatid niyang si Cristine Reyes sa kanyang pagkakatalo sa eleksiyon dahil hindi siya nito sinuportahan. Kung nakita lamang ito ng madalas sa kanyang mga sorties o kampanya baka, nanalo pa siya pero, in spirit lang yata tumulong si kapatid, hindi ng physical presence niya.
Ang bait naman ni Ara dahil wala ito ni konting hinanakit kay Cristine. Pero totoo bang naiintindihan niya ang hindi nito pagsama sa kanyang kampanya?
O baka hindi lamang siya nagpapakita ng sama ng loob niya dahil iisang dugo sila at ayaw niyang mag-away pa sila. Lalo’t magkakaro’n sila ng series of concerts sa Amerika, kailangan nga namang wala silang away para maging maganda ang palabas nila.
* * *
Mukhang maraming nararahuyo rito sa ex PBB finalist na si Sam Pinto. Kung kani-kanino siya nali-link, na nag-resulta sa pakikipag-break ng mga lalaki sa kanilang mga girlfriends. Pinagbibintangan siyang dahilan ng break-up nina Paul Jake at ng matagal nang girlfriend nito na present nung grand finals ng PBB Double Up. May kissing scene pa sila sa stage after Paul Jake proclaimed runner-up.
Siyempre may I deny ang Cebuano PBB runner-up na smitten siya sa kanyang housemate sa bahay ni Kuya.
Lately, nag-break din daw ang umamin nang nagkaroon ng relasyon na sina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil din ba sa kanya?
Wow, ang ganda-ganda siguro ng girl na ito, ang haba-haba ng buhok.
Para iwan ng mga nasabing lalaki ang kanilang mga girlfriends because of her, ganda siguro talaga niya. Gusto ko tuloy siyang makita. Hindi ko kasi siya kilala. Aber nga, makilatis muna.
* * *
Poor, poor Enchong Dee. Siya ang latest biktima sa internet ng mga taong walang masyadong magawa at naghahanap ng mapagkakatuwaan.
Tinatawag nila siyang bakla at ikinakabit ang pangalan sa isang taong hindi niya kakila at sa isang kaibigan at kasamahan sa swimming team. Hindi na ba puwedeng maging magkaibigan ang dalawang lalaki na hindi sila pagbibintangang bakla? Ang masama pa nito, hindi iisa kundi sinasabing parehong bakla ang dalawang lalaking magkaibigan.
Anumang paliwanag ni Enchong, nadumihan na ang kanyang pagkatao, no amount of explanation can remove the doubt from people’s mind. Mabuti na lamang at hindi dito bothered ang ace swimmer at mabilis na sumisikat na actor ng bansa. Sana nga, napanatag na niya ang kanyang status bilang actor para hindi maapektuhan ng ganitong tsismis ng mga taong may prejudice sa mga bakla?