MANILA, Philippines - “I believe there is a time and place for everything. And this is my time,” sabi ni Lee DeWyze, isang paint salesman mula sa Mount Prospect, Illinois, nang siya ay mag-audition sa Chicago. Ilang buwan ang lumipas, matapos niyang mamuhunan ng pawis, panahon at talento, si Lee ang tinanghal na bagong American Idol.
Sa finale ng programa, na pinalabas live via satellite sa GMA 7 (may same day replay sa Q Channel 11), nagkaroon din ng tribute para sa judge na si Simon Cowell na magpapaalam na sa IDOL sa pagtatapos ng season. Umawit para kay Simon ang mga dating winners sa IDOL tulad nina Kelly Clarkson, Reuben Studdard, Fantasia Barrino, Taylor Hicks, Kris Allen, Jordin Sparks at Carrie Underwood. Dumating din ang dating IDOL judge na si Paula Abdul para sa madamdaming farewell special.
“I didn’t think I was going to be this emotional, but I genuinely am,” sabi ni Simon. “What Paula says is true: The show goes forward, it will be different, but I just want to thank you from the bottom of my heart for the support, the fun.”
“The truth is, you guys are the judge of this show, and you’ve done an incredible job over the years,” dagdag pa niya.
Naging dark horse ng season si DeWyze, isang mahiyaing 24-year-old na rakista. Noong umpisa, tila mas maraming magagaling na babaeng finalists ngunit isa-isa silang natanggal sa kumpetisyon hanggang sa si Crystal Bowersox – isang 24-year-old na mommy mula sa Elliston, Ohio – na lang ang natira para makipaglaban sa boto ng mga manonood.
Nagtapat sa final showdown ang Top 2 sa harap ng mahigit 7,000 na manonood sa Nokia Theater sa Los Angeles. Tig-tatlong kanta ang inawit nila : isang pinili nila, isang pinili ng producer na si Simon Fuller, at isang kanta na kanilang iri-release kung sila ang magwawagi sa IDOL.
Nakipagsabayan sa galing si Crystal, ang soulful rock chick ng season 9. Kinanta niya ang Me and Bobby McGee, Black Velvet at Up to the Mountain at napahanga ang mga judges na sina Simon, Randy Jackson, Kara DioGuardi at Ellen DeGeneres.
“I thought that was by far the best performance and the song of the night,” sabi ni Simon. “And since this is going to be the final critique I’m ever going to give, I would just like to say that was outstanding.”
Si Lee naman ay umawit ng Everybody Hurts, The Boxer at Beautiful Day na nakakuha ng magandang comment mula kay Kara, “You have one of the most commercial voices this season and you deserve to be here tonight.”
At nang ihayag na kung sino ang nakakuha ng mas maraming boto mula sa mga manonood, pangalan ni Lee ang isinigaw ng host na si Ryan Seacrest. “I have never been happier in my life,” sabi ng bagong American Idol.
“This whole thing has been amazing from the very beginning,” sabi ni Lee noong final showdown habang nagbabalik-tanaw sa kanyang IDOL journey. “I hope to be doing this for the rest of my life, whatever happens.”
May replay ng final performance night ngayong Sabado, May 29, 4:30 p.m. at ang replay ng finale sa Linggo, May 30, 3:30 pm sa Q Channel 11.
Panawagan ng kabataan kay Noynoy pag-uusapan
Ipapahayag na ng mga kabataan ang kanilang panawagan sa bagong halal na administrasyon sa Independence Day special ng Y-Speak sa Sabado (June 12).
Hango sa mga Dear Noy posts ng mga kabataang Pinoy sa internet, iisa-isahin ng host na si Bianca Gonzalez ang kanilang mga suhestiyon at bubusisiin ang apat na pangunahing isyu - kahirapan, trabaho, edukasyon, at kalusugan.
Bibigyang-pugay din ng multi-awarded public affairs program ang mga alternative schools sa June 19 at kakapanayamin ang mga henyo na mula sa progressive schools, distance learning institutions, open universities, at mga e-learning classes.
Samantala, kikilalanin din ng Y-Speak sa June 26 ang mga atletang dapat abangan sa paparating na NCAA at UAAP seasons at sabay na tatalakayin ang iba pang uri ng sports na bagama’t hindi gaanong napapansin ay mga larangang kung saan tunay na namamayagpag ang atletang Pinoy.
Matutunghayan ang mga episodes ng Y-Speak, pati na ang ibang local programs ng Studio 23 - Us Girls, News Central, Quick-E at The Wrap, gamit ang internet ano mang oras at kahit saan sa pamamagitan ng Catch Up TV (www.studio23.tv).
Mapapanood n’yo rin ang mga paboritong foreign programs na Legend of the Seeker, Brothers and Sisters, The Amazing Race 16, Desperate Housewives, Private Practice at Grey’s Anatomy sa naturang website.
Ngayong Hunyo, dalawang patok na medical dramas ang magtatapos ng kanilang respektibong seasons. Huwag palalampasin ang season finales ng Grey’s Anatomy, 8:00 p.m., sa June 7 at ng Private Practice, 9:00 p.m. sa June 14.
Sa unang bahagi ng two-hour special season ender ng Grey’s Anatomy, isang krisis ang gugulantang sa mga doctor ng Seattle’s Grace Hospital na hindi pa nangyayari sa kanilang kasaysayan habang mayayanig naman ang mundo ng mga medical staff sa Private Practice dala ng isang hindi inaasahang pagkapanaw.
Mula sa mga kapana-panabik na drama, ihahatid din ng inyong Kabarkada ang hindi dapat palampasing sporting event na matutunghayan eksklusibo sa Studio 23. Tunghayan ang live coverage at replay sa parehong araw ng 109th United States Open Championship na isasagawa sa Bethpage Black Course sa June 19 hanggang 22.