MANILA, Philippines - Nagsalita na si ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III tungkol sa kontrobersiya sa Wowowee sa ginanap na ABS-CBN stockholders meeting kahapon.
Naka-upload kahapon sa ABS-CBN.com ang naging sagot ni Mr. Gabby sa mga tanong ng stockholders bilang sagot sa lumalaking issue.
Inamin ni Mr. Gabby na ang nangyari kay Willie Revillame ay siguradong may financial impact sa network.
“There are ongoing discussions now with Willie, and we prefer to keep these discussions at this point between ourselves and Willie. Suffice it to say that we are cognizant of the financial impact that a star like Willie brings to the network. But we are also aware that an institution like ABS-[CBN] will deal with stars all the time. And stars come and go, but the institution stays,” sagot ni Mr. Lopez.
“So we will take into consideration the wide variety of factors that are involved in dealing with stars like Willie. He is not the first or the last star that will reflect this kind of behavior. It goes with the territory,” dagdag nito.
“These decisions will be made in the proper time. I think the best decision we made is for both Willie and I to decide that, for the interim, we will both keep silent about what’s going on, and these discussions will be made in the course of the next several months.”
Ayon pa sa report, may isang iritableng stockholders ang nagsabi na kung siya si Gabby Lopez, sisipain agad niya si Willie.
Speaking of Mr. Lopez, parang lumalabas daw ngayon na mas mayaman pa si Willie kesa sa may-ari ng network.
Mabubuhay daw kasi si Willie ng kahit isang daang taon na hindi nagta-trabaho sa Wowowee. May nag e-mail na nabasa niya raw somewhere na sinabi ng kampo ni Willie yun na kahit isang daang taon, mabubuhay ito na hindi kailangang magtrabaho sa nasabing programa dahil may sapat na itong datung na puwedeng gastusin.
Pakitanong daw kung bakit nagkaganun ang kita niya samantalang ang dami pa niyang pundar na ibig sabihin lahat daw ng kinikita niya ay ginagastos niya. “Saan po galing lahat yun? Sa Wowowee lang? Wala naman siyang masyadong endorsement para sabihing kumita siya rito,” ayon sa e-mail sender.
Say pa ng e-mail sender : “Saka po di ba dapat kung ganun kalaki ang pera at kayamanan niya, hindi na niya ibinabandera. Kasi baka pag isipan pa siya ng masama ng mga kidnappers.
“Kung sabagay kaya niyang magbayad ng security escorts na ginawa na ng TV host noong panahon ng kampanya.”
May punto ang e-mail sender. Bakit nga ba parang sobra-sobra ang perang kinita niya? Bakit naman daw sina megastar Sharon Cuneta o Judy Ann Santos, hindi naman nag-uumapaw ang kayamanan samantalang di hamak na mas maraming pinagkakitaan ang dalawang higanteng artista.
Anyway, naalala ko lang bigla. Agree ako sinulat ni Joey de Leon sa Philippine Star na paano nga ba naging most influential personality si Willie sa isang showbiz mag? Parang tama ang analysis ng marami na mas dapat tawaging most influential personality ng bansa si Kris Aquino sa kabila ng maraming batikos at puna. Most influential dahil isa siya sa dahilan kung bakit nanalo ang kanyang kuya Noynoy Aquino sa pagka-presidente ng bansa.
After Robin Padilla parang ideal na mag-guest co-host sa Wowowee si Edu Manzano and AiAi delas Alas. Papatok sila kasama ang iba pang host like Pokwang, Mariel and Valerie. Si Edu ang swak sa ganyang istilo at malakas ang karisma sa audience.
Si Aiai din, kayang-kaya niya ‘yan.
Ang mga suggestions na ipasok ang Kanto Boys – Luis Manzano, John Lloyd Cruz, Billy Crawford and Vhong Navarro. Si Vhong, may Showtime at kakayanin na raw siguro nina Luis, John Lloyd and Billy.
Actually, Si Robin daw talaga sana ang gusto ng management kaya lang ay hindi makumbinse ang action star na magpirmi sa programa.
Ang feeling ng isang insider, hindi pa naman daw kasi nilalatagan ng magandang kontrata si Robin ng management. Oo nga, baka pag maganda ang offer sa aktor, kagatin niya lalo na nga at marami rin naman siyang kawanggawa.
By the way, ayon sa source without pay daw ang tatlong buwang suspensiyon ni Willie sa kanyang programa.
Sad na huling araw na ni Robin today. Naging kapana-panabik pa naman ang bawat araw sa Wowowee nung pumasok si Robin. Naging sunud-sunod ang mga markadong episodes niya sa show kasama ang kanyang mga guests at maging ang mga co-host niya, partikular na kay Mariel Rodriguez na lately ay inili-lilink kay Binoe.
At nitong Huwebes nga, marami ang napahiyaw at kinilig na manonood sa mala-haranang ginawa ni Binoe sa co-host nitong si Mariel. Kasama ang grupong Akafellas, kinantahan ni Robin si Mariel ng VST hit song na Ipagpatawad Mo na ikinakilig hindi lamang ng live audience kundi maging ng mga co-hosts nitong sina Pokwang, Valerie Concepcion, Carmen Soo, RR Enriquez, at Jed Montero?
Sa opening number pa lang, kung saan isa-isang nilarawan ng mga co-hosts si Robin, marami ang napapalakpak sa makahulugang binanggit ni Mariel, “Si Robin ang nagpapalamig ng aking mga kamay at nagpapatameme sa akin. Si Robin ang aking kinatatakutan.”
Matapos naman ang kanyang song number, sinabi ni Robin kay Mariel, “Talagang pinag-aralan namin ang lahat nang ito para sa ‘yo. Sana naramdaman mo?”
Na agad namang sinagot ni Mariel nang, “Yes, ramdam na ramdam na ramdam ko!”
Matapos ng haranang ito, ano pa kaya ang mga bagong pagtatapat na gagawin ni Binoe sa nalalapit niyang pamamaalam sa Wowowee? May chance nga kayang matuloy ito sa isang real-life love story lalo na ngayong napababalitang hiwalay na umano si Mariel sa showbiz boyfriend nitong ni Zanjoe Marudo.
Samantala, sa mga gustong manood ng Wowowee sa studio ng live, patuloy pa rin ang Wowowee Text Promo. Para sumali, manood lamang ng Wowowee araw-araw at hintayin ang sagot sa ibibigay ng mga hosts. Tumutok sa commercial break at abangan ang tanong. Araw-araw, dalawang tanong ang lalabas kaya dalawang winners ang ia-announce sa dulo ng show.