Controversial actress nahubaran ng gown

Maraming salamat kay Papa Miguel Bel­mon­te dahil sa belated birthday gift na ibinigay niya sa akin.

Na-feel ko talaga na love na love ako ni Papa Miguel nang magkita kami kahapon sa victory lunch ng kanyang one and only favorite sister, si Joy Belmonte, ang bagong halal na bise-alkalde ng Quezon City.

Nag-thank you si Vice-Mayor Joy sa mga re­por­ter na sumuporta sa kanya noong panahon ng kampanya at ikinuwento niya ang mga plano para sa Quezon City at mga residente nito.

Hindi pa nakakapagbakasyon si Mama Joy mula nang mag-win siya sa election pero lilipad siya sa Amerika sa darating na Linggo para dala­win ang kanyang mister na matagal nang nagta­trabaho doon. In fairness sa kanyang asawa, umu­wi ito at tumulong sa pangangam­panya ni Mama Joy.

Naniniwala ako sa denial ni Mama Joy na hin­di totoo na nanira siya ng kapwa kandidato noong kainitan ng kampanya. Kung totoo ang mga paratang ng detractors ni Mama Joy, nag­pakita na sana sila ng pruweba, gamit ang ka­nilang mga cellphone camera.

* * *

Maraming kuwento sa lunch date kahapon ni Mama Joy at ng entertainment press pero hindi ko puwedeng i-share sa inyo dahil off the record ang karamihan.

Mga juicy news ang topic na may kinalaman sa mga isyu na pinag-uusapan ngayon sa mun­do ng telebisyon.

Nag-promise ako sa aking kausap na my lips are sealed or else, maloloka ang mga subject ng aming juicy conversation!

* * *

Sumaglit ako kahapon sa studio ng Tweetbiz at dito ko narinig ang balita na nahubaran ng da­mit ang isang controversial actress habang ki­nu­­kunan ang kanyang mga eksena sa mala­yong probinsiya.

Ang eksena na nakasakay sa motorsiklo ang aktres at ang kanyang leading man ang kinuku­nan. Long gown daw ang outfit ng aktres pero na­hu­­baran ito dahil naipit sa gulong ng motor­cy­cle ang laylayan ng kanyang mahabang damit. Ang ending, nahubaran ang aktres!

Kung gumigiling ang kamera nang mangyari ang insidente, tiyak na nakunan ang wardrobe malfunction ng aktres.

* * *

Na-delay pala ang pagpunta ni Anne Curtis sa California dahil may mga papeles na kukunin mula sa US Embassy ang mga co-star niya sa pelikula.

Hindi puwedeng mauna sa paglipad si Anne dahil matetengga lang siya sa Amerika. Nauna nang bumiyahe si Richard Gutierrez sa US. Hi­ni­hintay ni Richard ang pagdating nina Anne at Clau­­dine sa California para makunan na ang mga eksena nila sa In Your Eyes.

* * *

Extended ng dalawang linggo ang Guma­pang Ka Sa Lusak dahil may changes na maga­ga­­nap sa show na hahalili sa mababakanteng time­slot ng show nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Good news para sa mga artista at staff ng Gu­­mapang Ka Sa Lusak ang extension ng ka­ni­lang afternoon show dahil nangangahulugan ito ng extra datung. Pabor na pabor ang ex­tension sa mga tauhan na may mga pinapaaral na ka­mag-anak dahil kailangan nila ng datung para sa school enrollment.

Show comments