Pangarap na kamatayan: Bangkay ni Britney Spears ipi-preserve sa cryogenic

MANILA, Philippines - Maluho at kakaibang kamatayan ang pangarap ng international singer na si Britney Spears. Gus­to niyang maipreserba o mai-frozen ang kanyang bangkay kapag namatay siya para, kung sakaling may maimbentong kinakailangang teknolohiya sa darating na panahon, puwede siyang mabuhay muli.

Sang kaibigan ni Britney ang nagsabing lubha nang obsesyon ng singer ang maipreserba ang ka­tawan nito kapag namatay siya.

Kabilang sa idea ni Britney, ayon sa The Sun, ya­ong maipreserba ang kanyang bangkay sa li­quid nitrogen o gawing cryogenically frozen.

Isang kumpanyang nagsasagawa ng cryo­ge­nic na Alcor Life Extension Foundation ang puma­tol sa interes ng singer.

Naengganyo si Britney sa idea ng pag-frozen sa kanyang katawan dahil sa paniniwalang ang bang­­kay ni Walt Disney ay iprineserba sa cryogenics para puwede itong mabuhay na muli sa hinaharap.

Bukod dito, plano rin ni Britney na ipagawang dia­­mante ang kanyang abo kapag namatay siya. Pero mas pantasya niya ang cryogenic na gagas­tusan niya ng $350,000.

Show comments