MANILA, Philippines - Totoong banggaan na ang naganap sa dalawang grupo ng teen housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Clash of 2010 noong Lunes (May 24) matapos mapanalunan ng Teen-ternationals ang dalawang slot sa Big Night na pinaglabanan sa weekly task noong nakaraang linggo.
Kinausap ni Kuya ang mga Pinoy teen housemates na kumbinsihin ang mga katunggali sa pamamagitan ng rap-off na magkaroon ng rematch para sa ilang slots sa Big Night. Pero ang rap-off ay nagkaroon ng lyrics na offensive para sa mga Teen-ternationals.
Pahiwatig ng mga Pinoy housemates, pakiramdam nila ay nadaya sila. Ipinaliwanag naman ni Ivan, na noong sinabi nilang “we felt cheated” ay hindi nila itinuturo ang mga housemates na nandaya, kundi pakiramdam nila ay hindi nakiisa sa kanila ang tadhana.
Samantala, pinangalanan na sina Jack, James, Sophia, Jenny, Angelo, Joe, Patrick, at Tricia bilang mga nominado ngayong linggo. Tig-dalawang housemate sa magkabilang bahay ang mae-evict sa darating na Sabado.
Bigyan kaya ng slot ng Teen-ternationals ang mga Pinoy teens? Abangan iyan kasama si Mariel Rodriguez sa PBB Teen Clash of 2010 Uber pagkatapos ng Naruto Shippuden, si Toni Gonzaga sa primetime pagkatapos ng Rubi, at Bianca Gonzalez sa PBB Updates.
* * *
Nagiging stressful ang shopping kapag traffic papunta sa mga malls at kapag nakarating ka na sa mall, sobrang dami naman ng tao.
Nakapili ka na ng bibilhin mo pero ang haba ng pila sa bayaran!
Mabuti na lang at nariyan ang Natasha, isang wholly-owned Filipino company, na nagbigay ng “perfect solution to make shopping hassle-free.”
Mula pa nang nagsimula ito noong 1993, ang pamilyar nitong green scripted logo ay naging simbolo ng trendy but reasonably priced fashion.
Ngayong 2010, may bagong handog ang Natasha para ang shopping ay mas maging exciting, fun, at convenient dahil sa bago nitong DVD Catalog. Maaari na kayong mag-shop to your heart’s content, in the comfort of your own home habang pinapanood ang DVD copy. Maliban sa monthly printed catalogs (ang fashion catalog na makikita ang mga apparels, shoes, accessories, makeup, fragrances, at iba pang personal care products), ang DVD format ay magpapamalas ng mas malinaw na imahe ng mga produkto.
Ang mga signature models ng Natasha ay kinabibilangan ng mga celebrity endorsers na mapapanood din sa DVD. Ang modelo para sa ladies’ apparel ay si Anne Curtis; ang mukha para sa Maxi for plus-sized women ay si Mickey Ferriols; at si Brent Javier naman ang para sa men’s undergarments.
Mayroon din ang Natasha ng mens’ apparel, Natasha Shape (women’s underwear), Renee Salud Fashion, TRU (for teens), and the Kids Collections. Talaga namang isa itong treat mula sa Natasha dahil bukod sa komportable ang iyong shopping, mapapanood pa ang iyong paboritong artista na suot ang mga latest trends.
Watch na ng DVD Catalog pumunta lang sa pinakamalapit na Natasha dealer o i-check ang website sa www.natasha.ph.
* * *
Ang bagong labas na Blessings of Love ng Universal Records ang bagong blessing ng Queen of All Media na ngayon ay Queen of Concept Album na rin.
Masaya si Kris Aquino dahil muling nai-record ang mga huling pangyayari sa buhay niya, partikular na ang nakaraang eleksiyon.
Isinulat niya ang ilang saloobin sa liner notes ng album na puno ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuportang tagahanga sa buong pamilya Aquino.
Kabilang na rin ang walang sawang pasasalamat niya sa mga nagpaunlak ng kanta sa Blessings of Love na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jed Madela, JayR, Nina, Gail Blanco, Ronnie Liang, Erik Santos, Christian Bautista, Noel Cabangon, Aia de Leon, at Regine Velasquez.
Ang ilan sa mga siguradong magiging hit na kanta ay ang I Have Fallen in Love With the Same Woman Three Times, Dance with My Father, Impossible Dreams, Walang Iba, at Hindi Ka Nag-iisa.