MANILA, Philippines - Sina Crystal Bowersox at Lee DeWyze na ang maghaharap sa pinakaaabangang finale ng American Idol matapos na matanggal sa kumpetisyon ang heartthrob blues guitarist na si Casey James noong nakaraang linggo.
Mapapanood ang tapatang Crystal at Lee – na gaganapin sa NOKIA Theatre sa Los Angeles — ngayong Miyerkules, 6:00 pm, sa Q Channel 11.
Ang finale naman ay ipapalabas, live via satellite, ngayong Huwebes, 8:00 a.m, sa GMA 7 at may 7:00 pm na primetime replay sa Q Channel 11. Kasama rin sa finale ang ilang special performances, surprise guests at ang Top 12 ngayong season na magsama-samang muli sa isang performance bago malaman ng lahat kung sino ang bagong American Idol.
“I’m very appreciative of this whole experience,” sabi ni Lee, 24, sa isang press statement. “Truthfully, there’s more than just getting up there and performing every week. It’s the people back at home – and the people everywhere – who are voting for me and supporting me. Without them, I wouldn’t be here. Going back home and getting to see all the people that will be there is going to be really awesome.”
Dagdag ni Crystal, 24, “I come from a small town where everyone knows everyone – it’s a really tight-knit community. Everyone’s incredibly excited for me, and I couldn’t be more excited for them. I’ve heard that things were looking pretty dismal back home, and now everyone is rallying because they have something to believe in. It’s amazing that it can be me who lifts the spirits of the people in my hometown. I’m forever grateful for their support and love, and I can’t wait to come home and see everybody.”
Si Crystal, ang young mom na mula sa Elliston, Ohio, ay isa sa mga frontrunners mula nang mapahanga niya ang judges na sina Simon Cowell, Randy Jackson, Kara DioGuardi at Ellen DeGeneres at ang mga manonood noong Hollywood Week. Ngunit nitong mga nakaraang linggo, ‘di gaanong na pabilib ng singer/songwriter na si Crystal ang mga judges.
Sa kabilang banda, si Lee, na mula sa Mount Prospect, Illinois, ay puro papuri ang natanggap sa mga judges sa sunud-sunod na linggo.
Ngunit nung performance night ng Top 4, umarangkada muli si Crystal nang kantahin niya ang I’m Alright samantalang sumablay naman si Lee sa kanyang version ng Kiss from a Rose.
Matalo kaya ni Lee sa biritan si Crystal? Mapahanga kayang muli ni Crystal ang mga judges at manonood? Mula sa 100,000 na nag-audition, dalawa na lang ang natira. Sino ang susunod na American Idol?
Huwag palalampasin ang huling performance night ng Top 2 ngayong Miyerkules, 6:00 pm (may same day replay sa 8:00 pm), sa Q Channel 11.