Si Kuya German Moreno ay pinagbubulungan dahil lamang sa masamang asal ng isa niyang staff na nanaray sa isang talent na hindi niya sukat akalain eh malakas pala sa sponsor. Okay lang kung humihingi ito ng special favor pero hindi. Nagtatanong lang ito na sa halip na sagutin ng maayos ay tumanggap ng kagaspangan ng ugali sa nasabing staff.
Sana, hindi ito totoo Kuya Germs. Hindi mo kailangan ng intriga na dulot ng mga trabahador mo o ng GMA 7.
Tama nang problemahin mo ang career nina Jake Vargas at Joshua Pineda, dahil pinasisikat mo sila. Pero ang nagrereklamo ay isang kasamahan sa panulat na nakasaksi ng pangyayari, hinihintay niya ang gagawin mo.
* * *
Hindi mo aakalain na makakapareha ni Mark Herras sa isang serye sina Heart Evangelista at Katrina Halili. Akala ng marami pang–Jennylyn Mercado o Ynna Asistio lamang siya. Pero dahil bukod sa may bago nang tandem ang kanyang ex-loveteam both in reel and real life at hindi naman healthy sa kanyang career kung palagi na lang sila ng kanyang girlfriend ang pagtatambalin kung kaya maganda ‘yung desisyon ng GMA na subukan siyang ipareha naman sa iba. Mark gets to portray a role na dati ay nakukuha lamang nina Dingdong Dantes o Richard Gutierrez.
“Mas mature ang role ko bilang airline boss, kaya nga naka-bigote pa ako at ang mga isusuot ko ay pang young exec, makinis at hindi rugged,” imporma ng actor na torn between the love of his kababata (Heart) and his present love (Katrina).
“Ang suwerte ko naman, dalawang magagandang babae pa ang nag-aagawan sa akin dito, I get to choose between them. Nagampanan ko na ang role na ito (Jennylyn and Pauleen Luna in Ikaw Sana) at mayaman din ang role ko nun pero mas challenged ako rito sa Langit Sa Piling Mo dahil bago ang mga kapareha ko. ‘Di ko pa alam kung may chemistry kami, sana nga meron,” dagdag pa ni Mark.