^

PSN Showbiz

Katapusan o mapi-freeze lang?

-

MANILA, Philippines - Ngayong araw ang nakatakdang meeting ni ABS-CBN management at ng TV host na si Willie Revillame matapos mag-submit ng release paper ang TV host.

Positibo ang karamihan na matutuldukan na ang issue tungkol sa bantang pagri-resign ni Revillame sa kanyang programang Wowowee dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi naman tinanggal ng ABS-CBN ang radio com­men­tator at kapwa manunulat na si Jobert Sucaldito kaya mag­ri-resign siya at siguro nga naman ay meron siyang isang salita. Unless pabalikin siya sa programa.

Matatandaang nagbanta si Revillame na lalayasan ang kanyang programa ’pag hindi tinanggal si Jobert. Mabigat ang kanyang salita.

True enough, hindi nga siya sumipot sa kanyang programa at doon pa lang ay ground na ng absence without permission. Siya ang lumayas eh matapos siyang magbanta.

Pero kung napanood n’yo ang report sa TV Patrol at Bandila last Friday night, kitang-kita naman na sa ABS-CBN talaga siya yumaman at nagkamal ng maraming salapi.

Kundi dahil sa ibinigay sa kanyang programa, makakapag­malaki ba siya ngayon na meron siyang private plane, yate, magagarang sasakyan at bahay, isla sa Mindoro, at mamahaling mga kagamitan?

Sampal sa kanya ang nasabing report dahil inisa-isa na roon ang simula niya sa ABS-CBN at ang mga pinagdaanan ng programa hanggang sa pumatok na ito dahil sa pamimigay ng pera na hindi naman galing sa kanyang bulsa kundi sa network.

Sabay sumikat ang programa at host kaya sabay din ang malaking kita ng host at ng programa.

Pero ngayon, hinamon at pinagmamalakihan ang sariling istasyon na nagpayaman sa kanya.

But wait, isang source ang nagsabi na sa kabila ng karangyaan sa buhay ng TV host, hindi man lang daw nito sinusuportahan ang kanyang anak sa dating asawang si Liz Almoro.

Yup, sa kabila nang sinasabi niyang pamimigay ng datung sa masang Pinoy, bakit hindi raw nito unahin ang kanyang anak kahit na sabihin pang mayaman naman ang pamilya ni Liz? Still, totoo nga namang may responsibilidad siya bilang tatay. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

BANDILA

JOBERT SUCALDITO

KANYANG

LIZ ALMORO

PERO

PROGRAMA

REVILLAME

SIYA

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with