^

PSN Showbiz

Kuya Germs nagbigay ng payo

- Ni JQ -

MANILA, Philippines - Naging guest of honor si German Moreno sa launch­ing ng CD album ng mga singing disco­veries ni Coun. Ariel Inton na ginanap sa Quezon City Amo­ranto Theater.

 Kasama ni Kuya Germs sa nasabing launching ang sumisikat na alaga niyang si Jake Vargas na mas kilalang si Baste sa First Time ng  GMA 7.

Nagbigay din ng payo si Kuya Germs sa mga kabataan ng grupo.

‘‘Naalala ko tuloy ang aking That’s Enter­tainment noon, ganitung-ganito,’’ pagbabalik-alaala ng kilalang host.

 ‘‘Tulad ninyo, kailangan din ang may mapag­kaka­abalahan maliban sa pag-aaral sa eskuwe­lahan. Nag­ka­karoon kayo ng disiplina at maaaring gawin ninyong hanapbuhay ang pagkanta balang araw. Gawing pro­pesyon at pagkakitaan. At pag­dating ninyo sa esta­dong ’yun, huwag ninyong ka­lili­mutan ang taong tu­mu­long sa inyo dahil lub­hang napakaimportante nito. Huwag kalilimutan ang utang na loob. Kailangan ’yan sa inyong propesyon para kayo ay pagpalain pang lalo ng Diyos,’’ sabi ni Kuya Germs.

Ang mga carrier songs ng album ay ang mga awi­ting Ibon at Sinusuyo, Niyayakap na pare­hong mala­pit nang marinig sa himpapawid sa FM radio. 

ARIEL INTON

COUN

DIYOS

FIRST TIME

GERMAN MORENO

JAKE VARGAS

KUYA GERMS

QUEZON CITY AMO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with