Annabelle Rama nagbebenta ng mga bag
Kailan lamang ba ipinamamarali ni Rocco Nacino na big crush niya si Jennylyn Mercado? Nilagyan tuloy ng kulay ’yung naging fight scene nila ni Dennis Trillo sa Gumapang Ka sa Lusak, sinabing tinotoo ni Dennis ang pambubugbog sa kanya dahil nagseselos ito sa kanya.
Big promo lang ba ’yun? Dahil kay Lovi Poe naman nabaling ang kanyang atensiyon. Sinasabing gandang-ganda din ito sa dalaga ni FPJ at natatameme siya kapag kaharap daw ito.
Ano ba, Rocco, buti hindi naapektuhan ang Jennylyn/Dennis fans sa sinasabi mong crush mo kay Jennylyn? Ngayon si Lovi naman. Ano ba ang totoo Rocco? Eh meron ding relasyon si Lovi na puwedeng maapektuhan dahil baka maniwala at magselos ang non-showbiz boyfriend nito sa mga pinagsasasabi mo.
* * *
Hindi naghihirap si Mama Annabelle Rama kaya nagbibenta na ito ng mga bags niya sa isang garage sale na ginawa niya sa kanyang bahay, hindi naman siya kailangang lusubin ng kanyang mga kapitbahay, mga kaibigan lang ng mga anak niya ay sobra-sobra na sa dami para maubos ang kanyang mga bags na pumupuno sa kanilang bahay.
Sa dami ng mga bags ni Mama Annabelle, kahit marami ang nabili dito, marami pa rin ang natira para magamit niya. Ang mga alahas mo, kailan ka naman magbibenta?
* * *
Pinalulutang na naman ang relasyong KC Concepcion at Piolo Pascual. Bakit? Dahil ba kailangang pag-usapan ang anak ni Mega dahil wala nang puwedeng mapag-usapan sa The Buzz dahil ’di na puwedeng maintriga si Kris Aquino dahil iiwan na nito ang show? Kaya ba ibinabalik ang isyung ligawan nila ni Piolo na ilang panahon na ring natutulog?
Napaka-wholesome ng inaanak ko para maintriga. At isa pa, hindi ba makasisira sa image niya bilang ambassador ng UNICEF ang maintriga?
Anyways, napakahusay ni KC na host, maganda ang tandem nila ni Boy Abunda pero hindi nga lang sila intrigero at ito yata ang kailangan sa mga nagho-host ng mga palabas na tulad ng The Buzz.
- Latest