^

PSN Showbiz

Eleksyon 2010 ng GMA mataas ang rating

-

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng kritikal at makasaysayang au­tomated elections ng bansa, mas pinag­katiwalaan at tinangkilik ng mga manonood ang Eleksyon 2010, ang election coverage ng GMA 7.

Nakuha ng Eleksyon 2010 ang TV ratings average na 12.3 mula May 10 to 11 base sa Mega Manila Household ratings mula sa AGB Nielsen. Ang May 10 average ng Eleksyon 2010 ay mas mataas din, 12.5.

Sa sumunod na araw, mas umarangkada ang election coverage ng GMA at umangat ng 3.5 %.

Noong May 10, ang Kapuso primetime news­cast na 24 Oras Eleksyon 2010 ay pumalo ng rating percentage na 33.7. 

Ang pangunahing dahilan kung bakit tumutok ang mga manonood sa Eleksyon 2010 ay ang patas at komprehensibong pagbabalita at ang ma­bilis at ma­aasahang partial at unofficial count na palaging na­uuna sa paglalabas ng pina­kaba­gong bilang mula sa election returns mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mas marami ring remote points mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ang Elek­­syon 2010 coverage. At tuluy-tuloy ang serbisyong totoo dahil sa pag­baba­litang hindi bumitaw mula 5:00 a.m. ng May 10 hanggang tanghali ng May 11.

Tampok din sa kanilang coverage pinaka­ba­gong teknolohiya tulad ng touch screen, virtual screen, immersive 3D graphics at hologram effect – kauna-unahan sa kasaysayan ng telebis­yon sa Pilipinas. Nakilahok din ang publiko sa pag­ba­balita sa pama­magitan ng pagpapadala ng mga Election Day pictures at videos sa Youscoop at sa pagtawag sa Action Center nila para i-report ang mga elec­tion day incidents at humingi ng tulong sa mga elec­tion lawyers.

Ang Bilog na Hugis Itlog, ang voter education pro­ject ng GMA, ay kinilala sa lakas ng positibong epekto nito sa mga botante. Hindi iilan sa kanila ang umaawit ng jingle papunta sa kani-kanilang presinto para matandaan ang tamang proseso ng pagboto.

ACTION CENTER

ANG BILOG

ANG MAY

ELECTION DAY

ELEKSYON

HUGIS ITLOG

MEGA MANILA HOUSEHOLD

NOONG MAY

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with