Kasama si Julia Clarete sa pelikulang Emir, considered the biggest original Filipino musical na co-produced ng Cultural Center of the Philippines, Film Development Council of the Philippines at supported ng President’s Social Fund. Mula sa direction ni Chito Roño at showing sa June 9.
Ginagampanan ni Julia ang role ng malanding yaya sa pelikula at kakanta rin siya rito at tinukso ng press kung paano niya binigyang buhay ang kanyang role. Karamihan sa mga eksena niya’y kasama sina Beverly Vergel at Frencheska Farr na naka-bonding niya ng husto.
Bukod sa partisipasyon sa Emir, ang nangyari sa kanila ni Baron Geisler ang inalam ng press kay Julia. Nabalita kasing si Julia ang pinakahuling ‘biktima’ ni Baron Geisler at hindi itinanggi ni Julia na hinipuan siya sa puwit ng aktor sa isang party after manalo ng aktor sa Bebot contest ng Eat Bulaga.
Si Julia ang tumayong manager ni Baron sa contest ng Eat Bulaga kaya pumunta siya nang imbitahan sa party. Hindi lang nito inaasahang pati siya ay tatalunin ni Baron na noo’y lasing.
“Ayoko na sanang pag-usapan ‘pa ‘yun, I chose to be quite at ayokong gawing big issue, pero sinipa ko siya at inisip ko the whole night ang ginawa niya. Inisip ko na baka publicity slunt niya ‘yun dahil may bago siyang movie. Nag-sorry siya sa TV at nag-text sa akin the next day ng “sorry ‘tol”, hindi ko na sinagot. Mabilis naman akong magpatawad,” sabi ni Julia.
Hindi pa nagkikita uli sina Julia at Baron after that incident at sabi ni Julia, ‘pag naunang bumati si Baron, babatiin din niya at ‘di niya masabi kung ginamit siya nito for his movie.
Any message for Baron?
“Good luck na lang sa movie mo.”
* * *
Marami ang na-amuse sa naka-post sa Facebook account ng isang controversial director na “moving on & moving forward.” Na-involved kasi sa isang controversy ang director nang sumugod sa taping ng kanyang soap na nag-last taping day na nga kahapon ang manager ng isa sa mga artista niya.
Umabot ang gulo sa paghaharap nila ng manager sa office ng mga bossing ng network at hindi na lumaki dahil hindi na nagsalita sa press ang dalawa. Nasulat man ang insidente, blind item (gaya nang ginawa namin) at tumupad sa usapan ang director at manager na ‘di magpapa-interview.
* * *
Mahilig sa Pinay ang Montero brothers dahil after Troy at KC Montero na parehong nakapag-asawa ng Filipina (hiwalay nga lang sina KC at Geneva Cruz), ang kapatid naman nilang si Colby Montero ang tila in-love kay Angel Locsin.
Nasa bansa ngayon si Colby at sa radio show ni KC, naririnig siyang binabasa ang Angel poems niya na para kay Angel. Na-interview na rin sa TV Patrol ng ABS-CBN ang binata tungkol sa on the air na panunuyo niya kay Angel.
Ang cute pa, tinutulungan si Colby ni KC at mga kaibigan nito na maiparating kay Angel ang kanyang feelings. Ang alam namin single si Angel ngayon, bakit nga ba hindi siya tuluyang ligawan ni Colby?
* * *
Alam na raw ni Mo Twister na balak siyang idemanda ng breach of contract ng GMA Network dahil may kontrata pa siya sa GMA 7, pero lumipat na sa TV5. Nagpapatulong daw si Mo sa TV5 at babayaran na lang daw nito ang natitira niyang kontrata.
Bukod sa Juicy at Paparazzi, may kino-conceptualize ang TV5 na talk show na pagsasamahan nina Mo at Ryan Agoncillo at excited ang mga taga-network dito. May naiisip na silang concept na babagay sa dalawa.