Jennylyn tumangging two-timer

Bagaman at naniniwala ako na hindi fair si Jennylyn Mercado sa trato niya kay Patrick Garcia bilang ama ng kanyang anak at pagbi­bigay hustisya sa inaasal niya dahil nasaktan daw ito ng lubos nang pagdudahan daw ni Patrick ang pagiging ama niya sa anak nito, na­ni­niwala naman ako sa sinasabi niyang hindi siya pumasok sa isang relasyon kay Dennis Trillo ng mayroon pa siyang sabit o karelasyong iba.

Sa naging karanasan niya, sasabak pa ba siyang muli sa isa pang problema, eh sabi niya, ang gusto niya ay maging maligaya lamang? Na­niniwala ako sa kanya at sana nga ma­tagpuan na niya ang hinahanap niyang hap­piness para mawala na ang bitternesss sa kan­yang puso at mai-share na niya ang kanyang anak, finally, sa ama nito.

I’m sure Dennis will not mind. He knows the feeling kahit pa hindi ipinagdadamot sa kanya ng ina ng kanyang anak ang bata.

* * *

Hindi talaga puwedeng hindi sumikat si Aljur Abrenica sa rami ng mga talento niya. Bukod sa pagkakaroon ng isang artistahing per­so­nalidad na binagayan niya ng isang matipunong pangangatawan na dulot ng walang humpay na workout na hindi ko alam kung paano niya napa­pangatawanan sa rami ng kanyang trabaho, isang mahusay na musikero rin ito, isang talent na wala ang mga tulad niyang kinikilalang dramatic actors ngayon.

May iba ngang nakakaarte na ay kumakanta pa rin pero hindi sila marunong maggitara, isang napakalaking pogi point na hindi mahindian ng maraming babae sa isang lalaki.

Hindi pa natatapos ang The Last Prince pero again, nakagawa na siya ng isang album sa kanyang home studio at nakatakda niyang bigyan ito ng isang malaking promosyon sa pamamagitan ng isang konsiyerto.

Paano mo mapipigilan ang pagsikat ng isang Aljur Abrenica?

* * *

After Christian Bautista, si Aiza Seguerra naman ang namamayagpag bilang singer sa Asian market. Dalawang albums na niya ang bumi­benta sa Asya, una ang Open Arms at ika­lawa ang Perhaps Love na inaasahang malalampasan ang tagumpay ng Open Arms dahil, nagtataglay din ito ng isang Chinese at Ja­panese songs na in-Ingles para magkaroon ng mas universal appeal.

Congrats kay Aiza at sana kahit sikat na siya sa buong Asya, hindi pa rin malimitahan ang appearance niya locally dahil mabilis siyang ma-miss ng mga kababayan niya.

* * *

Buti naman at for a change ay hindi muna kontrabida si Sheryl Cruz sa bagong serye ng GMA 7 na Langit Sa Piling Mo na pagbi­bi­dahan nina Heart Evangelista at Mark Her­ras. Ina ni Heart ang role niya at kapareha ni Rey Abellana na lately ay naging aktibo na naman. Na-challenge ba ito sa pangyayaring mabenta ang kanyang anak na si Carla ngayon at baka ito na lamang ang magtaguyod ng kanilang pangalan?

Sa Maynila na naka-base si Sheryl at suwerte namang hindi siya nawawalan ng assignment.

Show comments