Gulat daw lahat ng kasama ni Gretchen Barretto sa kanyang ginagawang serye sa ABS-CBN, ang Magkaribal, dahil branded lahat ng ginagamit nito. Biro mo ang damit niya ay Balenciaga, ang sapatos ay imported from the US kaya bawat eksena niya ay parang nagmomodelo siya ng mga gamit na imported, para raw fashion show.
But then, hindi siya Gretchen Barretto kung hindi branded ang gamit niya. ‘Yun ang hilig niya at dito siya nakikilala. Hindi naman siya nagyayabang, ‘yun lang talaga ang trip niya. Propesyonal naman siya sa trabaho at hindi totoo na cause of delay siya sa ginagawa niyang serye. Maaga nga raw siyang dumating dahil excited siyang magtrabaho.
* * *
Balik-showbiz na naman ang mga artistang pumasok ng pulitika, nanalo man o natalo. Kailangang kumayod na naman dahil malaking pera rin ang nawala sa kanila habang nangangampanya sila, so kailangang bumawi. Tutal yung mga nanalo ay hindi pa naman opisyal na magagampanan ang kanilang mga tungkulin kaya habang naghihintay, magtatrabaho muna sila.
* * *
Mukhang malayo ang mararating ni Carla Abellana. Patindi nang patindi ang mga roles na tinatanggap niya. Dito sa pinakahuli niyang Sinenovela mapapasabak siya sa todo-todong dramahan. Pero I’m sure kakayanin niya ito. Isinilang yata siyang artista.
Ang kailangan sigurong mag-worry ay ang ka-loveteam niyang si Geoff Eigenmann dahil sa isang project na kung saan kapareha ni Carla si Dennis Trillo ay nakitang may chemistry sila. Hindi malilimitahan ang pakikipagtambalan niya kay Geoff.
Ang dapat siguro, maging totohanan na ang tambalan nila ni Geoff, para masiyahan na rin ang mga fans.